January 04, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

'Trans power!' All trans cast na 'Warla,' kasado na sa Cinemalaya 2025

'Trans power!' All trans cast na 'Warla,' kasado na sa Cinemalaya 2025
Photo Courtesy: KaladKaren/FB

Isa lamang si “Jervi Wrightson” o mas kilala bilang KaladKaren sa mga personalidad na bubuo sa all trans cast na “Warla” ni Kevin Alambra sa 2025 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Kabilang sa mga gaganap ay sina Lance Reblando, Serena Magiliw, Valeria Kurihara, Kirk Popiolek, Vitex Paguirigan, at Khiendra Suzuki. Kasama rin nila sina “Miss Q and A” 2018 First Runner-up na si Matrica Mae “Matmat” Centino at ang aktres na si Ms. Dimples Romana.

Mababasa sa caption ng tweet ni Kaladkaren: “Picture muna ang trans sindikato bago mahuli ng mga pulis.”

“In a world that still tries to silence us with homophobia and transphobia, we’re showing up louder than ever! This is our story — trans power,” dagdag pa niya.

Pelikula

‘The legacy continues:’ 'Home Along Da Riles' magbabalik ngayong 2026!

Ibinahagi rin ni KaladKaren sa kaniyang Facebook post na ito ay hango sa tunay na kuwento.

Ayon sa Cinemalaya Website, ang “Warla” ay kuwento ng grupo ng mga transgender women na kabilang sa isang gang na dumudukot ng mga lalaking foreigner upang pondohan ang kanilang gender-affirming surgery. Hindi nila naunawaan na ang labis nilang paghanap sa kalayaan ay posibleng magdala sa kanila sa kulungan.

Kasama ng “Warla” sa mga 2025 Finalists ng Cinemalaya ay ang mga pelikulang “Abanse,” “Bloom Where You Are Planted,” “Child No. 82,” “Cinemartyrs,” “Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan,” “Open Endings,” “Padamlagan (Nightlight),” “Paglilitis,” at “Republika ng Pipolipinas.”

Ang “Warla” ay mula sa panulat ni Arah Badayos.

Ayon kay Cinemalaya president Direk Laurice Guillen, ipalalabas sa Oktubre 3 hanggang 12 sa tatlong sinehan sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City ang mga movie finalists na nabanggit.

Vincent Gutierrez/BALITA