January 26, 2026

Home BALITA

Torre, kabilang sa binira ng CA sa umano’y palpak na imbestigasyon sa nawawalang aktibista

Torre, kabilang sa binira ng CA sa umano’y palpak na imbestigasyon sa nawawalang aktibista
Photo courtesy: File photo

Itinuturo ng Court of Appeals (CA) sina Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III at apat pang pulisya na pawang mga responsable at may pananagutan sa pagkawala ng Bicol activist na si Felix Salaveria Jr.

Batay sa 62-page ruling na inilabas ng CA noong Hulyo 21, 2025, iginiit nito ang umano'y "failure to exercise extraordinary diligence," ni noo'y Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Torre sa pag-iimbestiga sa nasabing kaso. 

"This court simply cannot write finis to this case on the basis of an incomplete investigation conducted by the police and the military," anang CA.

Dagdag pa nito, "In a very real sense, the right to security of Felix is continuously put in jeopardy because of the deficient investigation that directly contributes to the delay in bringing the real perpetrators before the bar of justice."

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Kaugnay nito, naglabas din ang CA ng write of amaparo at writ of habeas data para sa mga kaanak ni Salaveria.

Ang writ of amparo ay ibinibigay kapag ang karapatang mabuhay, karapatan sa kalayaan at karapatan sa seguridad ay nababantaan o nasagasaan ng public officials, employees o pribadong indibidwal. 

Habang ang writ of habeas data naman ay legal remedy para sa mga indibidwal na nalabag ang karapatan sa privacy, liberty at security mula sa mga public officials, pribadong indibidwal na nakakuha ng mga impormasyon laban sa kanila.

Matatandaang noong Agosto 28, 2024 nang madukot si Salaveria ng hindi pa natutukoy na grupo. Bago nito, noong Agosto 23 naman nang naiulat na nawawala ang kaniyang kaibigan at kapuwa aktibista na si James Jazmines.

Samantala, maliban kay Torre, ilang opisyal pa ang itinuro ng CA na may pananagutan sa kaso ni Salaveria, katulad nina Brig. Gen. Andre Perez Dizon, regional director of Police Regional Office V; Police Col. Julius Añonuevo, provincial director of Albay Police Provincial Office; Police Col. Ivy Castillo, chief of the Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 5; at Police Lt. Col. Edmundo Cerillo, Jr., chief of the Tabaco City Police Station.

Ipinag-utos na rin ng korte sa Commission on Human Rights (CHR) na gumawa ng parallel investigation para sa  pagkawala ni Salaveria.