Napa-wow ang mga netizen sa kaseksihan ni Megastar Sharon Cuneta, tampok bilang cover ng isang lifestyle magazine, na issue para sa Agosto.
Ibinida ni Mega ang larawan ng behind-the-scene shoot kung saan hakab na hakab ang kaniyang kapayatan at kaseksihan sa suot na red see-through dress.
Saad pa ni Shawie, kinilig daw ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan, na tila hindi raw makapaniwala sa nakita niya.
"Kung nagulat kayo, ako din! Wag mag-alala—lilipas din yan! Minsan lang! (At kinilig ang asawa ko! @kiko.pangilinan Parang di yata makapaniwala ako yung asawa nya 10 years ago!" saad ni Sharon.
Aprub at agree naman ang mga netizen na talagang hot momma ang atake ni Shawie, na parang bumalik sa kaniyang dating sarili, matapos magbawas ng timbang.
"Apaka sexy mo mama!!!"
"Wearing a red see-through dress... Gorgeous! Nakatanga ba? At 59 hail to the queen."
"Mega!! So beautiful!"
"So hot and beautiful mama"
"Your so inspiring MS SHARON"
"Oh wow just wow palangga! Grabe, ka sexy kag que guapa! Lovelovelove it! Back to the 90's look!"
PAANO NGA BA SUMEKSI SI SHAWIE?
Batay sa mga dati nang panayam kay Mega, aminado naman siyang talagang nadagdagan siya ng timbang simula nang magka-anak at magkaroon siya ng sariling pamilya.
Nasubukan na rin daw niya ang iba't ibang klase ng pagdidiyeta at pagpapapayat.
Unang nakitaan at pinag-usapan ang slim at sexy body ng Megastar nang maging guest performer sa "Gabay Guro" event, sa kaniyang Instagram post noong Oktubre 15, 2022.
KAUGNAY NA BALITA: 'Ambilis naman?' Mga netizen, samu't sari ang reaksiyon sa pagbulaga ng kapayatan ni Mega
Noong 2023, muling ibinida ni Sharon na nakakapagsuot na ulit siya ng mga dress na noon ay hindi niya magawa.
“OOTD! Am able to wear dresses again yaaay!!!" saad niya.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Sexy Shawie!’ Sharon, masayang nakapag-suot ulit ng dress
Muling napansin at pinuri ng mga netizen ang kaseksihan at pagbawas ng timbang ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang latest Instagram post kung saan naging wedding singer siya nitong Linggo, Enero 8.
Tuloy-tuloy na nga ang naging pagpayat ni Shawie, hanggang sa noong Abril 2025, sa kauna-unahang pagkakataon ay dumalo siya sa ABS-CBN Ball 2025.
Ayon sa Instagram post ni Shawie, lagi raw siyang iniimbitahan noon pa man subalit siya mismo ang hindi pumupunta.
"On April 4, I am attending the ABS-CBN BALL for the first time, ever. I was always invited, but could never come because I didn’t feel like it. I was always so fat. Nothing wrong with that per se, but I just never felt like my best self," ani Mega.
"So now that I do, am joining my Kapamilya!!! Finally!!! Yehey!!! Thank You Lord!!!" dagdag pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: Sharon first time ever dadalo sa ABS-CBN Ball dahil payat, sumeksi na
Ipinaliwanag ni Sharon ang tungkol sa kaniyang weight-loss journey nang maging bisita siya sa vlog ni ABS-CBN News Channel (ANC) news anchor Karmina Constantino na "KC After Hours" kamakailan.
Binasag ni Mega ang mga espekulasyong gumagamit umano siya ng Ozempic—isang gamot para sa diabetes na naging tanyag na rin bilang pampapayat.
"I never went on Ozempic. I tried another medication once. I could not handle it," anang Sharon.
Sa halip na umiwas, tapat niyang inilahad ang kaniyang kalagayan sa puso at ang matagal na niyang maintenance medication na nagsimula pa noong 2003. May dalawa raw siyang cardiologists na makapag-aattest tungkol diyan, kaya hindi raw siya basta-basta puwedeng gumamit ng anumang medication.
Ikinuwento rin ng Megastar ang masalimuot niyang paglalakbay sa pagpapapayat, na aniya'y nagsimula noong siya’y tumuntong ng 50 taong gulang noong 2016. Matagal na rin niyang gustong magbawas ng timbang talaga at inamin niyang dumaan siya sa mas matagal na proseso, ang pagbabawas ng pagkain.
Halos lahat daw ng klase ng crash diet ay ginawa na ni Shawie para lang pumayat. Dinisiplina raw talaga ni Shawie ang kaniyang sarili at nang sa ganoon, talagang numipis siya. Una na rito ang pagbabawas ng carbs, although hindi raw siya makanin, ang talagang nilalantakan daw niya noon ay tinapay at dairy products.
Very supportive naman daw sa kaniya ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan.
KAUGNAY NA BALITA: Bakit sumeksi? Sharon, may pinabulaanan tungkol sa pagpayat niya