December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ryan Agoncillo, inintriga sa paghalik sa lips sa anak nila ni Judy Ann Santos

Ryan Agoncillo, inintriga sa paghalik sa lips sa anak nila ni Judy Ann Santos
Photo courtesy: Judy Ann Santos-Agoncillo (IG/TikTok via Ogie Diaz Showbiz Updates (YT)

Iniisyu pala ang pagki-kiss sa labi nina "Eat Bulaga" host Ryan Agoncillo at anak nila ni Judy Ann Santos na si Yohan sa social media.

Ilang mga netizens ang tila hindi komportable sa kanilang napanood sa isang TikTok video na ibinahagi ni Judy Ann Santos, ayon sa napag-usapan nina Ogie Diaz at co-host na si Mama Loi Villarama sa kanilang YouTube channel na "Ogie Diaz Showbiz Update."

Habang ang ilan naman, nagtanggol naman kay Ryan at sinabing ito raw ang paraan ng pagpapakita ng affection sa isa't isa bilang magulang at anak, at sana raw ay huwag nang bahiran pa ng malisya.

Sey ni Ogie, tila kinukuwestyon ng mga netizen na bakit kini-kiss pa raw ni Ryan ang anak na si Yohan gayong dalaga na ito.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Kung baby raw o mas bata pa ay okay lang, pero may edad na raw ang anak na babae nila ni Juday.

Isa pang bagay na naungkat, ay ang pagiging "adopted" daw ni Yohan o hindi pagiging biological daughter ni Ryan si Yohan.

Nang matanong naman ni Mama Loi si Ogie kung hinahalikan ba niya sa labi ang mga anak, sinabi ni Ogie na hindi. Inaakbayan daw niya ang mga anak pero hindi raw hinahalikan sa lips. Noong bata raw ang mga anak ay ginagawa pa niya ang paghalik sa labi.

Pero nang lumalaki na sila, si Ogie na raw mismo ang dumistansya dahil pakiramdam niya ay awkward na ito.

Nilinaw ni Ogie na sa kaniyang perspektibo ang kaniyang ipinaliliwanag at hindi para sa iba, dahil hindi naman daw niya alam o maging ng ibang tao, ang nangyayari sa loob ng kanilang bahay. In fairness naman daw, mas marami pa rin ang nagtatanggol sa mag-ama.

Maaari daw kasing ito na ang nakagisnan o nakasanayan nilang kultura sa loob ng kanilang tahanan, segunda naman ni Mama Loi.

Binasa naman ni Mama Loi ang ilan sa mga negatibong komento.

Sabi ng isa, "many people will give malice on this because 1st, ofcurs, she is adopted not real daughter of Ryan. 2nd she [is] already [a] grown up woman."

"I dont think its a good thing. Nothing malice about it but everything has a limit.." saad naman ng isa.

Sundot naman ng isa, "kaya nga hindi naiiwasang may [nadedevelop] sa pagiging magkamag ank dahil sa ganiyan..dapat may limitasyon..maling mali"

Binasa rin naman ni Mama Loi ang mga positibong komento, na aniya ay mas marami naman daw.

"haysss..anak kong lalaki, 22 na nakiss pa sakin sa lips.." anang isa.

"ngeks.. s 34yrs ko ng nabubuhay sa Mundo kinikiss ko s lips ang Lolo ko..khit may asawa na ko..malisyoso lng ksi ang iba sa atin.." pahayag ng isa.

Kuwento naman ng isa, "Im 32 yrs old at ang dad ko 85 yrs old na. Im married. Pero everytime na umuuwi ako sa parents ko, sa lips pa rin ako humahalik specially my Dad. Biological father man o hindi, kapag nakapagbuild ka na ng relationship, ganun daw 'yon."

Nagpasampol pa ang dalawa sa ilang mga personalidad na humahalik sa labi ng kanilang mga ama gaya nina Zeinab Harake at Marian Rivera.

Nasabi naman ni Ogie na baka naman daw kaya binibigyang-malisya ng mga netizen ang paghalik ni Ryan sa anak na si Yohan, dahil nga sa pagiging adopted ng huli.

Pero pasubali ni Ogie, maliit pa lamang si Yohan, si Ryan na talaga ang kinikilala niyang ama. Sana raw ay huwag nang bigyan ng malisya ang pagpapakita ng affection ng mag-ama sa isa't isa.

Isa pang punto ni Ogie, baka raw hindi lang talaga sanay ang mga tao na nakakakita ng grown up na ang bata pero humahalik pa sa lips ng magulang.

Maaaring hindi raw kasi ito ang nakagisnan ng karamihan, kaya sila naninibago at nakararamdam ng pagka-cringe.

Dito ay sumingit pa si Mama Loi at binasa ang isa pang komento na ganiyan daw talaga ang gawi ng mga mayayaman.

Sundot pa ni Ogie, kung ganoon daw ang love language ng mag-ama, hayaan lang daw at huwag lagyan ng malisya.

PAGDATING NI YOHAN SA BUHAY NI JUDAY

Kung babalikan, 26 taong gulang si Juday at single nang ampunin niya si Yohan noong 2004, bago pa dumating si Ryan sa buhay niya, nang magkasama sila sa fantasy-action seryeng "Krystala."

Inamin nina Ryan at Juday ang relasyon nila noong 2005, na-engage noong 2008, at ikinasal noong 2009.

Kaya naman, dinala ni Yohan ang apelyido ni Ryan, na itinuring niyang tatay.

Kung sisilipin ang ilang mga larawan at videos ng pamilya, mapapansing hindi lang si Yohan ang nakatatanggap ng kiss mula sa kaniyang mga magulang, kundi maging ang mga kapatid na sina Juan Luis (Lucho), at Juana Luisa (Luna), bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang mga anak. 

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Ryan at Judy Ann tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.