December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes, sumakabilang-buhay

Mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes, sumakabilang-buhay
Photo courtesy: Rufa Mae Quinto (IG)

Bumuhos ang pakikiramay ng mga kapwa celebrity at netizens sa Instagram post ng Kapuso comedy star na si Rufa Mae Quinto, dahil sa pagpanaw ng asawang si Trevor Magallanes.

Dumagsa ang condolences sa comment section ng post ni Rufa kung saan ibinahagi niya ang mga larawan nila ni Trevor kasama ang anak nilang si Athena.

Hindi naglagay ng kahit na anumang caption si Rufa Mae, subalit batay sa mga komento at mensahe sa kaniya ng mga kasamahan sa showbiz, pumanaw na nga si Trevor sa hindi pa matukoy na dahilan. Pero ang nasabi ni Peachy sa panayam, mahal pa rin niya ang asawa subalit ang asawa na raw ang ayaw sa kanilang relasyon.

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang malinaw na dahilan kung bakit namatay ang mister ni Rufa Mae.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Matatandaang kamakailan lamang ay inamin ni Rufa Mae na hiwalay na sila ni Trevor, sa hindi naman niya ibinigay na rason.

Matatandaang nauna nang inanunsiyo ni Trevor sa pamamagitan ng Instagram story na gumugulong na raw ang proseso ng kanilang divorce. 

KAUGNAY NA BALITA: Mister ni Rufa Mae Quinto, inaasikaso na ang kanilang divorce

Hindi naman idinetalye ni Trevor kung anong rason ng posibleng hiwalayan nila ni Rufa Mae. 

Sa panayam naman sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong  Enero 17, itinanggi ni Rufa na pinoproseso na raw nila ni Trevor ang kanilang divorce.

“We’re going through something. Tinatanggap ko. Kasi kung ayaw na rin naman niya, bakit ko hindi rerespetuhin ‘yon?” saad ni Rufa.

Pero dagdag ng komedyante, “‘Yong legalities, ‘yong mga file-file, walang file ng divorce. Hindi ako magpa-file kasi ang dami ko nang file sa kaso.”

Sa panayam naman kay Rufa Mae sa “Ogie Diaz Inspires” noong Enero 24, sinabi ni Rufa na bagama’t wala siyang kutob, naniniwala siyang walang third party involved sa kanilang relasyon. 

“Wala ka namang kutob kung mayro’n siyang iba?” usisa ni Ogie.

“Sa akin, wala,” sagot ni Rufa. “Pero siyempre, kung sa mga nangyayari, parang siguro mapag-iisip-isip ka minsan, ‘di ba. Pero sa akin, hindi ‘yon ang kutob ko, e.

Saka hindi isyu sa amin ‘yon kasi hindi naman ako selosa, e. Sabi naman niya, wala raw. Naniwala ako. Kasi ba’t naman siya magsisinungaling?” dugtong pa niya.

Sa katunayan, wala pa raw talagang ideya si Rufa kung bakit gustong makipaghiwalay sa kaniya ni Trevor. Pero ang posible raw na dahilan ay ang kawalan niya ng oras dahil sa kalikasan ng kaniyang trabaho.

“Baka lang for me. ‘Yon ang naging pagkukulang ko. Na hindi ako available everyday. Sa showbiz pa, minsan parang pack up. Gulo-gulo,” saad ni Rufa.

MAKI-BALITA: Rufa Mae Quinto, naniniwalang walang ibang babae si Trevor Magallanes