December 14, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

‘Mamamatay daw siya:’ Regine ibinahagi ‘masalimuot’ na parte ng relasyon nila ni Ogie

‘Mamamatay daw siya:’ Regine ibinahagi ‘masalimuot’ na parte ng relasyon nila ni Ogie
Photo courtesy: TicTALK with Aster Amoyo (YT), Ogie Alcasid (IG)

Ikinuwento ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na napunta sila sa puntong ilang beses na silang naghiwalay ng kaniyang asawang si Ogie Alcasid.

Nang nakapanayam ni Aster Amoyo si Regine sa YouTube channel nitong “TicTALK with Aster Amoyo,” sinabi nitong tumanggap siya ng batikos at panghuhusga mula sa mga tao, dulot ng relasyon niya kay Ogie.

"It was the people judging us that was difficult. And since I was in the business, I was heavily judged. Malaking eskandalo yun e," ani Regine.

Matatandaang kasal pa si Ogie Alcasid noon sa dati nitong asawa na si Michelle van Eimeren nang sila ay maging magkarelasyon, ngunit nilinaw niyang ang mga ito ay humaharap na sa mga seryosong problema. Dulot nito, masalimuot na nagsimula ang kanilang relasyon ni Ogie.

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

"Andaming beses naming naghiwalay kasi ayoko na. I don't wanna ruin their family. 'Kawawa ang mga anak mo' parang ganun,” aniya.

“Pero ayaw niya. Mamamatay daw siya. Kasi parang decided na siya na he really wanted to be with me,” dagdag pa nito.

Nilinaw naman ni Regine na siya ay pinanindigan ni Ogie at itinama ang mga bagay-bagay bago sila maging magkarelasyon.

"Pinanindigan din naman ako ng asawa ko. No’ng naging kami, nakipaghiwalay na siya para tama. Tinama rin naman niya yung life niya kasi ayaw din naman niya ng gano’n lang,” ani Regine.

Matapos ang lahat ng ito, nanatiling maayos ang relasyon ni Ogie sa kaniyang dating pamilya, lalo na sa kaniyang mga anak.

Ibinahagi pa nga ni Regine na dumalo silang dalawa ni Ogie sa kasal ng bagong asawa ni Michelle, at pumunta rin ang dalawa sa kasal nila.

Nagpayo naman si Asia’s Songbird para sa mga magkarelasyon na hindi agad nagkapatawaran at humarap sa pareho nilang sitwasyon.

"Doon sa mga couples na naka-experience ng hindi agad nagkakapatawaran, mas lalong mahihirapan ‘yong mga bata eh,” aniya.

“Puwede naman pala to have a relationship with the ex. You just have to be more open, to be more forgiving and willing to have a relationship,” dagdag pa niya.

Vincent Gutierrez/BALITA