Binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR)) dahil may "high chance" raw ito magingtropical depression.
Ayon sa PAGASA, as of 2:00 p.m. nitong Huwebes, Hulyo 31, namataan ang LPA sa layong 965 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Dagdag pa ng ahensya, may "high chance" ito maging tropical depression sa loob ng 24 oras.
Sakaling pumasok ito nang tuluyan sa PAR, tatawagin itong bagyong "Fabian."
Matatandaang noong Hulyo nang maranasan sa bansa ang hagupit ng Bagyong Crising, Dante, at Emong, pati na rin ng hanging habagat.