January 05, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking nagnakaw ng 2 manok, nasakote; nakagamit umano ng droga bago ang insidente

Lalaking nagnakaw ng 2 manok, nasakote; nakagamit umano ng droga bago ang insidente
Photo courtesy: Pexels

Naka-hospital arrest ang isang 39 taong gulang na lalaki matapos siyang pagtulungang bugbugin ng ilang bystander Villa Chiara Subdivision, Brgy. Bulacao, Cebu City noong Miyerkules, Hulyo 30, 2025.

Ayon sa mga ulat, pinasok ng naturang lalaki ang isang manukan bandang 5:00 ng umaga kung saan pinagtangkaan niyang nakawin ang dalawang manok. Gamit ang dalawang bag, doon isiniliad ng lalaki ang dalawang manok at saka nagtangkang umalis.

Lumalabas sa imbestigasyon na bago pa man tuluyang makaalis sa manukan ang lalaki ay nagising daw ang caretaker nito at saka humingi ng tulong sa ilang e-bike driver sa lugar.

Doon na raw hinabol ng e-bike drivers ang suspek at nagkabugbugan. 

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Ayon pa sa mga awtoridad, hindi ito ang unang beses na nagnakaw at pinasok ng suspek ang nasabing manukan. Batay sa ulat ng pulisya, nasa tatlong manok na raw ang nanakaw ng suspek noong nakaraang linggo.

Pag-amin ng suspek, ibinebenta raw niya ang mga manok ng ₱3,000 bawat isa, ngunit sa inisyal na pagsisisyasat ng mga awtoridad, tinatayang nasa ₱30,000 umano ang halaga ng dalawang manok pa lamang na ninakaw niya.

Bukod dito, aminado raw ang suspek na gumamit din siya ng ilegal na droga bago magnakaw.

Kasalukuyan nang mino-monitor ng mga awtoridad ang bugbog-saradong suspek sa ospital na nahaharap sa kaukulang kaso.