December 16, 2025

Home SHOWBIZ Events

KILALANIN: Si Bayani Casimiro, Jr. o mas kilala bilang 'Prinsipe K'

KILALANIN: Si Bayani Casimiro, Jr. o mas kilala bilang 'Prinsipe K'
Photo courtesy: Jude Casimiro (FB)/via GMA News

Kamakailan lamang ay pumutok ang balitang namayapa na ang batikang komedyante na si Bayani Casimiro Jr., Biyernes, Hulyo 25, sa edad na 57.

Cardiac arrest ang sinasabing ikinamatay ng komedyanteng nakilala bilang si "Prinsipe K" ng sitcom na "Okay Ka, Fairy Ko" noong dekada 80. 

Sa kumpirmasyon ng kaniyang kapatid na si Marilou Casimiro, ang mga labi ng dating komedyante ay nahimlay sa St. Peter’s Memorial Chapel, Sucat, Parañaque, at naitakdang i-cremate sa Loyola Memorial Park, noong Miyerkules, Hulyo 30.

Buhay at pagyabong sa showbiz

Events

Tuesday Vargas, may paalala sa Pasko: Hindi mandatoryo ang pamimigay ng regalo

Si Arnulfo “Jude” Casimiro o nakilala sa tawag na Bayani Casimiro Jr., sa telebisyon, ay ipinanganak noong Agosto 15, 1967.

Siya ay anak ni Bayani Casimiro Sr., na kilala bilang “Fred Astaire of the Philippines” dahil sa mayabong na karera nito bilang isang tap dancer at tagapagtanghal sa bodabil noong dekada ‘30 at ‘40.

Bukod dito, si Casimiro Sr., ay nagtanghal at nakilala rin sa teatro at telebisyon bilang komedyante

Ito ang sinundan na yapak ng nakababatang Bayani nang magkaroon siya ng breakthrough role bilang si “Prinsipe K (Prinsipe ng Kahilingan)” sa magical-themed sitcom na “Okay ka, Fairy ko” noong 1987 hanggang 1995 kasama si Vic Sotto.

Taong 2004 hanggang 2010 ay lumabas siya sa iba pang Enteng Kabisote franchise na napanood sa GMA Network.

Naging parte rin si Casimiro Jr., ng iba’t ibang pelikula tulad ng Fantastic Man noong 2003, Iskul Buko: 20 Years After (The Ungasis and Escaleras Adventure) noong 2008, at Juanita Banana noong 2010 hanggang 2011.

Retirement sa showbiz

Taong 2019, naging laman siya ng social media matapos mag-viral dahil sa isang viral post na nagsasabing umano’y namumulubi na ang dating komedyante.

Sa nasabing post, pinaratangan ito ng uploader na namamalimos sa isang overpass sa Parañaque.

Pinabulaanan ito ni Bayani sa isang panayam sa GMA News, kung saan nagpakilala raw ang uploader bilang isang tagahanga at nagpaalam na makipag-picture sa kaniya.

“She approached me. Nagulat ako. Sabi baka pwedeng magpa-picture kasi dati mo ‘kong tagahanga. Paninira talaga. Nagtataka ‘ko, hindi ko siya kakilala. Wala akong ginagawang masama sa kaniya. Kung Good Samaritan ka, kailangan magpaalam ka muna doon sa taong gusto mong tulungan,” kaniyang saad sa panayam.

Noong taon na ito ay nilinaw naman ng dating komedyante na namamalagi siya sa overpass malapit sa sa isang mall sa Parañaque para bisitahin ang kaibigang mekaniko.

Idiniin din nitong kailanma’y hindi nito gagawa ng kahit anong atensyon para lamang muling magkaproyekto sa showbiz, at matapos nitong umalis sa karera ng industriya, siya ay nagtrabaho bilang isang graphic artist.

Sean Antonio/BALITA