Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Jean Fajardo na wala na raw silang nakuhang DNA samples mula sa mga butong nakuha sa Taal Lake.
Sa kaniyang press briefing nitong Huwebes, Hulyo 31, 2025, posible umanong kontaminado na ang tinatayang 91 na mga butong nakasilid sa limang sakong nakuha ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa nasabing lawa.
"Wala na tayong na-extract accordingly na DNA profile [mula sa mga buto]. Parang contaminated na... Ang challenge doon dahil matagal na ngang naka-submerge," ani Fajarado.
KAUGNAY NA BALITA :Sunog na mga butong nadekwat sa Taal lake, tao kaya?
KAUGNAY NA BALITA: 'Di tanim-sako!' PCG, dumipensa sa mga alegasyon sa operasyon nila sa Taal Lake
Samantala, matagumpay naman nilang natukoy ang DNA profile ng tatlong bangkay na nahukay nila mula sa Laurel, Batangas, kasabay ng search and retrieval operations ng PCG sa lawa ng Taal.
"Yung taling cadaver na na-recover sa sementeryo sa Batangas, tatlong DNA profiles po ang nakuha po doon. Dalawa, lalaki po, at isang babae po," ani anang PNP spox.
Matatandaang isang whistleblower na si alyas “Totoy” o Julie Dondon Patidongan sa totoong buhay, ang lumantad at nagsiwalat na sa lawa raw ng Taal itinapon ang mahigit 100 mga bangkay ng nawawalang sabungero at ilang drug lords alinsunod sa utos ng businessman na si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto.
KAUGNAY NA BALITA: Bangkay ng mga nawawalang sabungero, itinali sa sandbag para lumubog sa Taal Lake
KAUGNAY NA BALITA: Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero