January 26, 2026

Home BALITA

CIDG, nais pakasuhan si Patidongan; mga kaanak ng nawawalang sabungero, pumalag!

CIDG, nais pakasuhan si Patidongan; mga kaanak ng nawawalang sabungero, pumalag!
Photo courtesy: via MB

Kinumpirma ng mga kaanak ng nawawalang sabungero na nais umano ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na kasuhan nila si Dondon Patidongan.

Sa panayam nina Ted Failon at DJ Chacha sa kanilang radio program sa isang kaanak ng mga nawawalang sabungero nitong Huwebes, Hulyo 31, 2025, iginiit nitong nakakatanggap na raw sila ng tawag mula sa CIDG upang kasuhan si Patridongan.

Ayon sa nasabing kaanak na si alyas "Boy," nakatanggap daw sila ng tawag sa CIDG kung saan hinihiling na pumunta sila sa Camp Crame upang makausap daw  umano'y isang  "direktor" at maghanda ng affidavit na makasuhan si Patidongan.

"Noong tinawagan ako, isa raw sa kakasuhan namin si Patidongan. Doon na ako nagulat kasi bakit kakasuhan yung main witness namin?" saad ni alyas Boy.

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Kaugnay nito, nanindigan naman si alyas Boy at maging ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero na hindi sila susunod sa mga nag-utos umano sa CIDG na kasuhan nila ang anila'y nag-iisa nilang witness.

"Doon n'ya [mula sa CIDG] sinabi na utos daw ng nakakataas. Doon na ako hindi pumunta sa patawag nila kasi parang naiiba na yung kaso eh," saad ni alyas Boy.

Dagdag pa niya, "Nagalit din sila [kaanak ng mga nawawalang sabungero] kasi yung main witness namin kakasuhan daw. Ang lumalabas, parang tinulungan kami, tapos bakit kakasuhan?"

Matatandaang si Patidongan ang itinuturing ngayong isa sa pinakamatibay na testigo sa kaso ng mga nawawalang sabungero na nagsiwalat na sangkot umano ang ilang kapulisan sa nasabing isyu habang pinangalanan din niya ang businessman na si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto sa mga mastermind daw sa pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungero.

KAUGNAY NA BALITA: Atong Ang, Gretchen Barretto, kinaladkad sa isyu ng mga nawawalang sabungero