December 18, 2025

Home FEATURES Human-Interest

‎‎Bakit kailangang matutuhan ng bawat isa ang CPR?

‎‎Bakit kailangang matutuhan ng bawat isa ang CPR?
Photo courtesy: Philippine Red Cross/FB

‎Pinangunahan ng Philippine Red Cross (PRC) ang isang Hands-Only CPR Lecture-Demonstration noong Miyerkules, Hulyo 30, 2025 sa Iligan City Central Elementary School.

Mababasa sa Facebook post ng PRC na humigit 500 na mga Iliganon ang nakibahagi at nakiisa sa caravan na ito, na bahagi ng selebrasyon ng National CPR Day ngayong taon.

Kabilang sa mga ito ang mga ikaapat hanggang ikaanim na baitang mula sa Iligan City Central Elementary School, mga guro at staff, pati na rin mga magulang.

Natutuhan nila nang sabay-sabay ang life-saving procedure na ito sa tulong ng PRC.

Human-Interest

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?

‎Ano nga ba ang kahalagahan ng CPR?

‎Ayon sa Mayo Clinic, ang Cardiopulmonary resuscitation (CPR) ay isang first aid procedure at isang emergency treatment na isinasagawa kapag ang paghinga o pagtibok ng puso ng tao ay tumigil.

‎Halimbawa, kung ang tao ay nalunod o inaatake sa puso, makatutulong ang CPR upang mapababa ang risk ng mas malubhang kalagayan ng isang tao.

‎Bakit kailangan itong ituro sa lahat?

‎Ang adhikaing ito ay alinsunod sa Republic Act 10871 o Basic Life Support Training in Schools Act.

‎Maliban pa rito, nararapat na maalam ang bawat isa ukol dito upang sila ay handang tumulong kung sakaling sila ay kailanganing magsagawa ng CPR.

‎Mababasa sa caption ng post ng PRC: “Sa mga batang marunong magligtas ng buhay, siguradong mas ligtas ang kinabukasan.”

Vincent Gutierrez/BALITA