December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'₱10k per day?' Jennica Garcia, nahimok ng ina na mag-showbiz dahil sa suweldo

'₱10k per day?' Jennica Garcia, nahimok ng ina na mag-showbiz dahil sa suweldo
Photo courtesy: Jennica Garcia/FB

Inamin ng aktres na si Jennica Garcia na nahikayat siya ng kaniyang ina na si Jean Garcia na mag-artista dahil daw sa “10k per day” na sahuran dito.

Sa panayam ng broadcaster at vlogger na si Julius Babao sa channel nitong “Julius Babao UNPLUGGED," ikinuwento ni Jennica kung paano siya nagsimula sa mundo ng showbiz.

Ayon sa aktres, nagsimula ang kaniyang karera sa pag-arte nang siya ay gumanap sa palabas na “Impostora” sa GMA Network. Siya ay fresh graduate noon ng high school.

Ibinahagi niya ring ninais niyang mag-aral ng kursong Nursing, ngunit tutol ang ina niya rito.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

“Parang sabi ni mama, ayaw ko anak, kasi paglilinisin ka nila ng kama, ayaw kitang makitang ganoon. Pag-isipan mo muna,” ani Jennica.

Plano rin daw na mag-aral ng aktres sa ibang bansa ngunit hindi raw kaya ng kaniyang ina na malayo siya rito, kung kaya’t sinabi ni Jean Garcia na may “offer” daw si Jennica na mag-artista.

Matapos nito, tahasang sinabi naman ni Jennica na ayaw niyang mag-artista ngunit siya ay nahikayat nang malamang “₱10k per day” daw ang sahod dito.

Inisip kasi ni Jennica na mabibili niya na sa halagang ₱10k ang mga gusto niyang laruan tulad ng Pokemon cards.

Umani naman ng samu’t saring komento ang naturang kuwento ni Jennica:

“May pagkakaiba ang acting ni jennica noong start sa niya sa showbiz, magaling pero alam mong wala pang passion. When she came back after nanganak, doon na nag iba.”

“Gusto ko din, mag artista kaso sabi ni mama wala daw ako kwenta.”

“Iba si Ms. Jean Garcia. Ayaw mag ayos ng kama ang anak ng ibang tao.”

Gumanap sa iba’t ibang shows si Jennica Garcia, kabilang na sa mga palabas na “Dirty Linen,” “Saving Grace: The Untold Story,” at sa “Wildflower” na kung saan siya ay gumanap bilang teen Emilia Ardiente.

Sa kasalukuyan, si Jennica Garcia ay isang freelance artist at napapanood sa ABS-CBN at GMA.

Vincent Gutierrez/BALITA