Pinuna ni House Spokesperson Princess Abante si Senate President Chiz Escudero sa pagbabaling daw nito sa Kamara sa tuwing nakakatanggap siya ng kritisismo sa kontrobersiyal na 2025 national budget.
“Bakit kami? Bakit kami ang may kasalanan? Ang tanong ay tinatanong kay Senate President Chiz. Bakit po sa amin po ibinabato ang tanong?” giit ni Abante sa kaniyang press briefing noong Martes, Hulyo 29, 2025.
Dagdag pa niya, “Bakit ‘pag may mga criticism sa kaniya ay tinataasan n’ya ng kilay ang House of Representatives?”
Saad pa ni Abante, mas mainam daw na sagutin na lamang ni Escudero ang mga tanong na pumapalibot sa nasabing isyu.
“Siguro mas mainam na sagutin na lang po yung tanong,” saad ni Abante.
Samantala, matatandaang minsan nang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na bukas silang isapubliko ang muling pagkakasa ng bicameral committee sa pagitan nila ng Senado upang muli raw makuha ang tiwala ng taumbayan.
“I support the move to make bicameral conference committee discussions open to the public,” anang House Speaker.
Dagdag pa niya, “This is a crucial step in restoring public trust and ensuring that the national budget truly reflects the will and welfare of the people.”
KAUGNAY NA BALITA: Pagsasapubliko ng bicam conference, para sa tiwala ng taumbayan—Romualdez