December 14, 2025

Home BALITA

PAOCC, gustong paimbestigahan kongresistang nanonood ng online sabong

PAOCC, gustong paimbestigahan kongresistang nanonood ng online sabong

Nagbigay ng reaksiyon si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Secretary Gilbert Cruz kaugnay sa lumutang na larawan ng isang kongresistang nanonood ng online sabong habang nasa sesyon ng House of Representatives. 

MAKI-BALITA: Solon, naispatang nanonood ng online sabong sa sesyon ng HOR

Sa ginanap na monthly balitaan forum ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) nitong Miyerkules, Hulyo 30, sa Harbor View Restaurant sa Ermita, Maynila, sinabi ni Cruz na dapat umanong imbestigahan ang nasabing mambabatas.

“Well, sa akin ho, dapat imbestigasyon ‘yon.[...] Botohan ‘yon ‘di ba [ng House Speakership]? Siguro respeto na lang po sa office,” saad ni Cruz.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Dagdag pa niya, “So, kailangan imbestigahan lang ho kung ano ‘yong magiging tugon niya do’n sa imbestigasyon. Then, bahala po siya.”

Ayon kay Cruz, bilang ehemplo sa publiko, hindi dapat makitang tumataya sa anomang online gambling ang mga empleyado at opisyal ng gobyerno.

“Paano ka magiging ehemplo kung ikaw mismo nakikitaang tumataya ka sa online? [...] Hindi mo puwedeng ituro ‘yong hindi mo ginagawa,” anang kalihim.

Kilala ang PAOCC bilang ahensyang tumutugis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Ngayon naman, tinatarget nila ang mga nasa likod ng online gambling at online lending apps.

Matatandaang sa isang panayam kay PAOCC Spokesperson Winston Casio noong Hunyo ay sinabi niyang natuklasan umano nila na konektado ang mga mapang-abusong online lending applications sa POGO.

MAKI-BALITA: Abusadong online lending apps, konektado sa POGO —PAOCC