December 13, 2025

Home BALITA National

Nababahala na! Honeylet, apat na beses nang hindi pa nakadalaw kay FPRRD

Nababahala na! Honeylet, apat na beses nang hindi pa nakadalaw kay FPRRD
Photo courtesy: via Balita/Harry Roque (FB)

Ibinahagi ng dating presidential spokesperson na si Atty. Harry Roque na apat na beses nang hindi nakadalaw ang partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña, sa kaniyang detention facility sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Sa latest live na isinagawa ni Roque, sinabi niyang natuloy raw ang pagbisita ni Honeylet noong Miyerkules sa nagdaang linggo, Hulyo 23, subalit hindi raw natuloy ang kaniyang pagbisita noong araw ng Biyernes, Lunes, Martes, at sa tingin daw niya ay ngayong araw ng Miyerkules, Hulyo 30, sa hindi pa malinaw at ibinibigay na dahilan.

Kaugnay nito ay nababahala na raw si Honeylet na isanlinggo na nilang hindi nadadalaw ang dating pangulo.

Nang matanong kung bakit nababahala, sinabi ni Roque na ito na raw ang pinakamatagal na panahong hindi nakadalaw ang sinuman sa miyembro ng pamilya ni FPRRD simula nang madetine ang dating pangulo.

National

Empleyadong sapilitang pinapasayaw sa Christmas party, puwedeng magreklamo—DOLE

Hiniling daw ng pamilya ng dating pangulo na madalaw nila apat na beses sa isang linggo ang dating pangulo, upang malaman ang kaniyang kalagayan.

"Ito na po ang pinakamatagal na panahon na wala tayong balita sa kalagayan ni Tatay Digong," aniya pa.