"Unaware" daw si Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III na may granted na travel authority si Davao City Acting Mayor Sebastian "Baste" Duterte, kaya hindi natuloy ang boxing match nila noong Linggo, Hulyo 27, na naging dahilan para ideklara siyang "winner by default."
Sa press briefing na isinagawa noong Lunes, Hulyo 28, sinabi ni Torre na hindi niya alam na may travel authority si Duterte, na aprubado ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, nang mausisa siya tungkol dito.
"I’m not aware of that travel document," anang hepe ng kapulisan.
"Pero hindi naman 'yon ang una niyang sinabi. Hindi naman 'yon ang kondisyon niya..." dagdag pa ni Torre, na tumutukoy sa pagpayag niyang kasahan ang boxing match, kung kakausapin niya ang "among Presidente" na atasan ang lahat ng elected officials na sumailalim sa pagpapa-hair follicle drug test.
KAUGNAY NA BALITA: Baste, may kondisyon bago makipagbugbugan kay Torre
Matatandaang nagpaabot ng pagbati si Duterte para sa kaniya kinagabihan ng Linggo.
"Chimps from the planet of the apes cannot comprehend. Congrats Diwata torre!" mababasa sa caption ng kaniyang Facebook post.
Ipinakita rin ni Duterte na noon pang Hulyo 20, 2025 naaprubahan ang kaniyang granted travel order, mula Hulyo 25 hanggang Hulyo 29, 2025, para sa kaniyang personal trip patungong Singapore.
Sa ibaba, makikita ang lagda ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor "Jonvic" C. Remulla.
Hindi nakasipot si Duterte sa kanilang laban dahil lumipad siya patungong Singapore, batay na rin sa nakasaad sa granted na travel authority.
KAUGNAY NA BALITA: Travel, aprub ni Remulla: Paboksing ni Torre, umano'y itinaon sa araw na wala si Baste?