December 19, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Baka may revisions pa?' Looks ni Arci aprub sa netizens, final na raw sana

'Baka may revisions pa?' Looks ni Arci aprub sa netizens, final na raw sana
Photo courtesy: Arci Muñoz (FB/TikTok)

Bet na bet ng mga netizen ang awrahan ng aktres na si Arci Muñoz, na ibinahagi niya sa kaniyang TikTok post kamakailan.

Makikita sa TikTok video ni Arci Muñoz na tila enjoy na enjoy siyang dina-dub ang awiting “I Forgot That You Existed” ni Taylor Swift, habang ibinabalandra ang kaniyang mga kilay at mga pilikmatang on fleek.

Komento nga ng netizens:

“I forgot that you existed talaga kasi iba na naman face mo auntie”

Tsika at Intriga

‘Ano yon itatapon ko lang pera ko?’ Vice Ganda, hindi bet tumakbo sa politika

“Ibang skin na naman mhie klast na yan super ganda mo dyan”

“You look natural Ms. Arci. No more fillers please. Ok na to, promise”

Maging sa iba't ibang social media pages, gaya ng "The Scoop," pinulutan din ang tungkol sa komento ng mga netizen sa looks ni Arci, na tila ba na tila ba aprubado ng mga fans ang kasalukuyang hitsura ng aktres.

Mababasa sa caption ng post ang ilan sa mga komento ng netizens ukol sa litrato:

"Ganda mo dito, Mima. Final look na 'to please."

"Final na 'to Ma, ha? Aylabet so much!"

"I'm loving the revision, thesis defended, maem!"

Nagbahagi rin ng mga komento ang iba pang netizen sa mismong post ng naturang page:

"Di pa Yan final hanggat may pera magpapalit pari Yan Gusto ko Yung look nya dati sa TV5 Nung panghapon nya na drama nakalimutan ko lang title nun."

"Di pa yata lalabas ang final form niya. Tulad kay goku, kailangan pa masaktan o mabugbog para lumabas ang tunay na super saiyan"

"naku mima nd na kita makilala..pero maganda po.."

Hirit pa ng isa:

“Cha eun woo ng peg”

Matatandaang inamin ng aktres sa “Fast Talk with Boy Abunda” na may pagsisisi siya sa desisyong magparetoke at tahasang sinabi na hindi niya gagawin ito, kung maibabalik lamang ang panahon.

Dagdag pa niya, ito ay dapat niyang panindigan sapagkat wala naman na siyang magagawa rito.

MAKI-BALITA: Kung maibabalik ang dati: Arci Muñoz, umaming nagsisi sa pagpaparetoke

Si Arci Muñoz ay gumanap sa mga pelikulang “Always Be My Maybe” at “Can We Still Be Friends?”

Vincent Gutierrez/BALITA