December 13, 2025

Home BALITA National

Wikang Filipino, mas magandang gamitin sa mga susunod pang SONA —KWF

Wikang Filipino, mas magandang gamitin sa mga susunod pang SONA —KWF
Photo Courtesy: KWF, via MB

Tila umaasa ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na gagamitin pa ng pangulo ang wikang pambansa sa mga susunod nitong State of the Nation Address (SONA).

Sa isinagawa kasing press conference ng KWF bilang hudyat sa pagsimula ng Buwan ng Wika nitong Martes, Hulyo 29, sinabi ng tagapangulo ng ahensya na mas maganda raw kung wikang Filipino ang higit na gagamitin sa mga susunod pang SONA.

“Mas maganda na ang mga susunod na SONA ay nasa wikang Filipino sapagkat ang ating wikang pambansa ang lunduyan ng [pagkakaunawaan] at pagkakaisa ng ating bayang Pilipinas,” saad ni Casanova.

Kapansin-pansin na Filipino ang wikang ginamit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kaniyang ikaapat na ulat ng bayan noong Lunes, Hulyo 28.

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Kaya naman hindi na rin kataka-taka ang ginawang pagpuri ni Casanova sa ginawang ito ni Marcos sa SONA.

Ayon kay Casanova, “Labis po akong natutuwa na ang atin pong pangulong Marcos, Jr. ay gumamit ng wikang Filipino sa kaniyang  talumpati bagama't may mga pagkakataong gumagamit siya ng wikang Ingles.”

[A]ng paggamit po ng Filipino sa kaniyang SONA kahapon ay talagang kahanga-hanga dahil ito po talaga ang dapat gawin. Dahil itong SONA po ay naka-address po sa sambayanang Pilipino na gumagamit ng ating wikang Filipino,” dugtong pa ng tagapangulo ng KWF.

Matatandaang ang namayapang si Benigno “Noynoy” Aquino III ang kauna-unahang presidente na gumamit ng wikang Filipino sa lahat ng SONA nito mula 2010 hanggang 2015.

Inirerekomendang balita