December 13, 2025

Home BALITA National

Sen. Risa, sinabing 'manipis na manipis' ang SONA ni PBBM

Sen. Risa, sinabing 'manipis na manipis' ang SONA ni PBBM
Photo courtesy: Risa Hontiveros (FB)/RTVM

Nagbigay ng reaksiyon at komento si Sen. Risa Hontiveros hinggil sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong Lunes, Hulyo 28.

Inilarawan ng senadora ang SONA bilang "manipis na manipis" dahil sa ilang mga bagay na hindi raw nabanggit ng Pangulo.

"Hindi nabanggit ang pag-ban ng online gambling access sa mga e-wallets at super apps. Hindi rin nabanggit ang wage hike para sa ating mga manggagawa. Manipis na manipis ang #SONA2025," mababasa sa Facebook post ni Hontiveros.

Bukod dito, hindi rin daw nabanggit ang tungkol sa wage hike ng mga manggagawa.

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

Nagbigay rin siya ng reaksiyon at komento patungkol naman sa serbisyo ng tubig na isa rin sa mga nabanggit ng Pangulo. Nag-file na umano siya ng isang resolusyon upang imbestigahan ito.

"Dahil sa diumanong mga disadvantageous conditions ng mga kontrata nila, eh bukod dyan kahit pa nagkakaroon sila ng tinatawag na catch-up plan, hindi naman nasusunod, malayo ang aktwal na resulta," anang Hontiveros.

"Kung sinasabi ni Presidente na iimbestigahan yan, sana ibig sabihin ay talagang susuportahan pati yung imbestigasyon ng Senado kasi hindi na pwedeng tumagal yung either walang tubig or napakakaunti at odd hours or yung marumi.

Usapin na yan ang dignidad ng tahanan ng Pilipino," aniya pa.