Nagwa-walking lang ang mga residente ng Antipolo City, Rizal na sina “Reymond” at “Janet” nang makita nilang barado ang isang kanal sa dinaanan nilang kalye.
Makikita sa Facebook post ni Mayor Jun Ynares ngayong Martes, Hulyo 29, 2025, na nililinis ni Reymond ang isang kanal habang siya ay kinukuhaan naman ng video ni Janet.
Gamit ang isang maliit na kahoy, inalis ni Reymond ang mga nakabarang plastic bottle, mga balat ng basura, at iba pa.
“Saludo kami sa inyo for taking care of our environment in your simplest way. Patunay ang inyong ginawa na it doesn’t cause a single penny para ipakita ang malasakit sa ating kapaligiran. All it takes is a heart that cares and and a body that acts,” mababasa sa caption ni Ynares.
“Patunay ang inyong ginawa na it doesn’t cause a single penny para ipakita ang malasakit sa ating kapaligiran. All it takes is a heart that cares and and a body that acts,” aniya pa.
Umani naman ng samu’t saring papuri at komento mula sa netizens ang nasabing post:
"Nice kuya. Sana gayahin k Ng iba Hindi Yun puro nlng Sila reklamo sa kapitan nila"
"Malasakit tawag dyan.nice po sir mabuhay ka"
"Dapat po pag tag araw malinis na ang mga barado kanal para pag dumating po ang tag ulan makakadaloy ng maganda un tubig.. Good job po.."
Maririnig namang nagbitaw ng joke si Janet patungkol kay Reymond na nagsasabing gamitin na lang daw niya ang kaniyang kamay upang mapabilis ang paglilinis. Dagdag pa niya, tanggapin na rin daw sa gobyerno si Reymond dahil sa kaniyang malasakit.
Hirit naman ng isang netizen:
“Good Job! Isama na yan sa listahan ng Tupad”
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa halos 32,000 views ang video na nagpapakita ng malasakit ng dalawa sa kapaligiran.
Vincent Gutierrez/BALITA