December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pamahiin? Shaira Diaz nag-react, sinita sa pagsusukat ng wedding dress

Pamahiin? Shaira Diaz nag-react, sinita sa pagsusukat ng wedding dress
Photo courtesy: Shaira Diaz (IG)

Nag-react si Kapuso actress-TV host Shaira Diaz sa isang netizen na sumita sa kaniyang matapos niyang isukat ang wedding gown niya para sa nalalapit na kasal nila ng fiancé na si EA Guzman.

"Tears fell the moment I tried the dress on," ani Shaira sa caption.

Kalakip ng post ang isang black and white na video clip kung saan nagpapahid pa ng mga mata si Shaira dahil sa emosyon na bumalong sa kaniya habang nagsusukat.

Bumuhos naman ang mga pagbati kay Shaira na excited na sa kasal nila ni EA.

Tsika at Intriga

'Parang mga barbaro, taong yungib pa rin mag-isip!' John Arcilla, gigil sa mga bayolente sa aso

Pebrero 2024 nang pormal na hingin ni EA ang mga kamay ni Shaira para sa paglagay sa tahimik.

Subalit isang netizen ang umeksena at pinaalalahanan si Shaira na bawal daw itong isukat.

"Prang bawal ata yn isukat..." saad ng netizen.

Nagkomento naman ang ilan pang netizen at ipinagtanggol si Shaira.

"ako nga 5x isinukat gown ko," anang isa.

Sey naman ng isa, "hindi bawal magsukat ng wedding gown need talaga yan sukat lalo na pagtapos na ung pag ka tahi sa gown para makita ung paka ka fit sa bride."

Banat naman ng isa, "mas bawal pag lumabas na di maganda ang fit sa bride."

Bagay na sinang-ayunan naman mismo ni Shaira, "ayun na nga.."

PAMAHIIN SA KASAL

Bagama't walang tiyak o direktang sinabi ang netizen kung bakit bawal sukatin ni Shaira ang kaniyang wedding dress, maiuugnay naman ito sa tinatawag na pamahiin o superstition. 

Isa sa mga pamahiing sinusunod sa kasal ay ang pagpapaiwas sa isang bride na isukat o isuot ang kaniyang wedding gown o wedding dress, ilang araw bago ang aktuwal na kasal.

Ang pamahiin o superstition ay bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino, na mga paniniwala o tradisyonal na mga katuruan na karaniwang nagmula sa mga sinaunang panahon o sa mga lokal na karanasan ng mga tao.

Ito ay mga pamamaraan o paniniwalang nagtuturo kung paano dapat gawin o iwasan ang ilang bagay upang maiwasan ang masamang kapalaran o magkaroon ng magandang kapalaran.

Maraming pamahiin ang may kinalaman sa kalusugan, pag-aaral, pagtatanim, kasal, pag-aasawa, at iba't ibang aspeto ng buhay at maging sa kamatayan ng tao.

May ilan na patuloy na sinusunod ng marami kahit na moderno na ang panahon, samantalang ang iba naman ay hindi na gaanong pinaniniwalaan ngayon.

Sa kaso ng pagsusuot ng wedding gown o dress, paniniwalaang kapag ginawa raw ito ay baka hindi matuloy ang pinakaaasam-asam na kasal.

Inaasahang susuutin lamang ang damit pangkasal sa araw ng aktuwal na kasal.

Ngunit mukhang hindi naman naniniwala rito si Shaira, batay sa kaniyang naging reaksiyon sa sinabi ng isang netizen, na "mas bawal 'pag lumabas na di maganda ang fit sa bride" ng kaniyang wedding dress.