December 13, 2025

Home FEATURES

BALIKAN: Suot ng ilang dumalo sa SONA 2025

BALIKAN: Suot ng ilang dumalo sa SONA 2025
Photo Courtesy: Andrei Suleik via Heart Evangelista (IG), Santi San Juan/MB

Nagdesisyon ang Kamara na ipagbawal ang pagpapatalbugan ng suot sa red carpet ng ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ito ay matapos ulanin ang malaking bahagi ng Luzon at tamaan ng halos sunod-sunod na bagyo ang Pilipinas na nagdulot ng pinsala sa maraming Pilipino.

Kaya naman bago pa ang araw ng SONA, naglabas ng bagong memorandum si House Secretary General Reginald Velasco para ipagbawal ang pagkakaroon ng “fashion coverage” sa magagarang suot ng mga dadalo sa SONA. 

MAKI-BALITA: Kamara, ipinagbawal 'patalbugan, fashion coverage' sa red carpet ng SONA ni PBBM

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Bukod dito, nanawagan din si reelected Leyte 1st District Rep. at House Speaker Martin G. Romualdez na gawing simple ang pagdaraos ng ulat sa bayan ng pangulo.

Sa isang pahayag, sinabi niyang “out of touch” na maituturing ang pagpapanatili ng mala-pageant na palabas sa SONA habang marami sa mga Pilipino ang sinalanta ng sakuna. 

MAKI-BALITA: Sa gitna ng sakuna: Romualdez, nanawagan ng isang simpleng SONA

Silipin ang mga larawang nasa ibaba para makita ang naging resulta ng ibinabang memorandum ng Kamara at ang panawagan ni Romualdez na gawing simple ang pagdaraos ng SONA.

Si Senate President Chiz Escudero kasama ang may-bahay niyang si Heart Evangelista

Si Caloocan City Mayor Along Malapitan at ang ama niyang si Caloocan 1st District Rep. Oscar Malapitan

Si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos

Si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo "Jun" Lumagui Jr. kasama ang misis niyang si Carmela Esquivas-Lumagui

 

Si Kabataan Rep. Atty Renee Co

Si Manila City Mayor Isko Moreno

Si Senador Joel Villanueva kasama ang asawa niyang si Glayds Cruz-Villanueva at si Senador Migz Zubiri kasama ang misis na si Audrey Tan-Zubiri at anak na si Maria Adriana.

Si Mamamayang Liberal (ML) Representative Atty. Leila De Lima

Si Benguet Lone District Rep. Atty. Mauricio G. Domogan kasama ang kabiyak niyang si Becky Domogan

Si Senador Migs Zubiri at ang esposa niyang si Audrey Tan-Zubiri

Sina Akbayan Representative Atty. Chel Diokno at Perci Cendaña

Si Lanao Del Norte 2nd District Representative Yasser Alonto Balindong kasama ang asawa niyang si Saraminda AmTan Balindong

Si Senador Raffy Tulfo kasama ang asawa niyang si ACT-CIS Rep. Jocelyn P. Tulfo

Inirerekomendang balita