January 26, 2026

Home SPORTS

Tugon ni PBBM sa kung nasaan na ₱20 na bigas: 'Napatunayan na natin!'

Tugon ni PBBM sa kung nasaan na ₱20 na bigas: 'Napatunayan na natin!'
Photo courtesy: screengrab RTVM/FB, via DA

Sinagot at ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) kung saan na raw napadpad ang ipinangako na sinimulang bentahan ng ₱20 na bigas.

Sa kaniyang talumpati nitong Lunes, Hulyo 28, 2025, tahasang iginiit ni PBBM na napatunayan na raw ng kaniyang adminitsrasyon ang pag-arangkada ng nasabing programang nagbibigay ng mas mabbabang presyo ng kilo ng bigas sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Sa mga nagtatanong kung nasaan na ang  ₱20 na bigas? Ito ang ating tugon, 'napatunayan na natin na kaya na natin ang  ₱20 sa bawat na kilo ng bigas nang hindi malulugi ang ating mga magsasaka,’” anang Pangulo.

Binanggit din niya kung saang-saang lugar sa Pilipinas unang inilunsad ang nasabing lugar.“Kamakailan lamang ay matagumpay natin itong nailunsad sa Luzon, Visayas at Mindanao. Kagaya sa San Juan, Pangasinan, Cavite, Occidental Mindoro, Cebu, sa Bacolod, sa Guimaras, Siquijor, Davao del Sur,” ani PBBM.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Ipinangako rin niya na ilulunsgad na raw ang bentahan ng ₱20 na bigas sa buong bansa para sa kaniyang nalalabing huling tatlong taong panunungkulan.

BASAHIN: ALAMIN: Listahan kung saan mabibili ang ₱20/kilo ng bigas ng pamahalaan sa NCR