Napanatili ni Sen. Chiz Escudero ang kaniyang posisyon bilang Pangulo ng Senado matapos niyang madomina ang botohan kontra kay Sen. Tito Sotto III, 19-5 nitong Lunes, Hulyo 28, 2025 sa pagbubukas ng 20th Congress.
Bilang parte ng mahabang tradisyon ng Senado, ibinoto nina Escudero at Sotto ang isa’t isa para sa tunggalian nila ang nasabing posisyon.
Kabilang sa mga solidong sumuporta kay Escudero ang Duter7 na unang ipinagmalaki ni Sen. Bato Dela Rosa na binubuo nina: Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Go, Sen. Imee Marcos, Sen. Rodante Marcoleta at magkapatid na senador na sina Sen. Camille at Mark Villar.
Nagpahayag din ng kanilang suporta sa liderato ni Escudero ang magkakapatid nina Sen. Raffy at Erwin Tulfo, Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano at Sen. JV Ejercito at Jinggoy Estrada.
Kay Escudero rin bumoto sina Sen. Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Joel Villanueva, Win Gatchalian at Lito Lapid.
Samantala, bukod kay Escudero, apat na senador ang tumaya ng boto para kay Sotto kagaya nina: Sen. Risa Hontiveros, Migz Zubiri, Ping Lacson, at Loren Legarda.
Kaugnay pa rin ng liderato ng Senado, na-solo naman nina Sen, Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva ang nominasyoin sa pagka Senate Pro Tempore at Majority Floor Leader habang si Sotto naman ang napili bilang Minority leader.