December 13, 2025

Home BALITA

Sandro Marcos, pinakabatang House 'majority leader' sa kasaysayan ng bansa

Sandro Marcos, pinakabatang House 'majority leader' sa kasaysayan ng bansa
Photo courtesy: Sandro Marcos/FB

Inihalal na House Majority Leader si Ilocos Norte 1st district Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos sa pagbubukas ng 20th Congress nitong Lunes, Hulyo 28, 2025.

Sa edad na 31 taong gulang, siya na ang pinakabatang hahawak ng nasabing posisyon. 

Matapos ang halos dalawang linggong mga espekulasyon hinggil sa pagluluklok kay Sandro sa nasabing posisyon, nitong Lunes nang pormal siyang naiproklama matapos siyang inomina ni acting floor leader Iloilo 3rd district Rep. Lorenz Defensor. 

Bilang House Majority Leader, siya ang tatayong Chairman of the Committee on Rules. Nakatakda niyang ipatupad at pamunuan ang lahat ng regulasyon sa Kamara, pagsasaayos ng calendar of bills, preparasyon para sa Order of Business at Calendar of Business.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ito ang ikalawang termino ni Marcos sa Kamara kung saan binakante niya ang posisyong Senior Deputy Majority Leader sa 19th Congress. 

Habang siya naman ang ngayong umokupa sa dating posisyon ni Zamboanga City 2nd district Rep. Mannix Dalipe.

Kumpara sa mga nakaraang Kongreso, si Marcos pa rin ang pinakabatang hahawak ng pagka-majority leader na sumunod sa yapak nina: Mandaluyong lone district Rep. Neptali Gonzales II ng 16th Congress, Capiz 2nd district Rep. Fredenil Castro ng 17th Congress, Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez sa 18th Congress at Zamboanga City 2nd district Rep. Mannix Dalipe.