December 16, 2025

Home BALITA

PBBM may pasaring? PNP Chief Torre tinawag niyang ‘bagong kampeon!’

PBBM may pasaring? PNP Chief Torre tinawag niyang ‘bagong kampeon!’
Photo courtesy: screengrab RTVM/FB, via MB

Natatawang inihanay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga atletang Pinoy si Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre IIII. 

Sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 28, 2025, kasabay ng paghihikayat niya sa mga lokal na pamahalaan na pasiglahin pa ang larangan ng isports, binanggit niya ang mga atletang nagbigay ng karangalan—at maging ang bagong kampeon umanong si Torre.

"Sumunod sila sa yapak ng ating mga kampeon at world class na athletes. Tulad ni Sen. Manny Pacquiao, Hidilyn Diaz, ni Caloy Yulo, Aira Villegas, Nesthy Petecio, EJ Obiena, Alex Eala... isama na rin natin ang bago nating kampeon, si PNP Chief Nic Torre,” ani PBBM.

Matatandaang si Torre ang itinanghal na panalo sa isinagawang charity boxing match sa pagitan nila ni Davao City Acting Mayor Baste Duterte matapos hindi sumipot si Baste at lumipad patungong Singapore, kaya idineklarang panalo si Torre via win by default.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

KAUGNAY NA BALITA: Torre, 'di pinagpawisan kay Baste; may round 2 pa kaya?

Habng sa hiwalay na pahayag, iginiit ni Baste na nakahanda pa raw niyang pagbigyan ang bakbakan nila ni Torre sa mga dadating na araw, partikular na sa Martes at Miyerkules. Ito ay matapos mapaulat ang kaniyang pag-alis ng bansa bunsod umano ng hindi pa tukoy na detalye.

“Kung gusto mo ‘yan charity na ‘yan and you’ve laid some conditions then let me laid my own conditions for the event—kung serious ka talaga ha? But I cannot be there sa Sunday, I have other things to do,” ani Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Baste, ayaw ng suntukang may gloves; pina-reschedule bugbugan nila ni Torre