December 13, 2025

Home BALITA Politics

PBBM, kailangan ng 'pasabog' sa SONA para maibalik tiwala ng publiko—political analyst

PBBM, kailangan ng 'pasabog' sa SONA para maibalik tiwala ng publiko—political analyst
Photo Courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Nagbigay ng suhestiyon ang political analyst na si Richard Heydarian kung paano mapapataas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang trust ratings nito.

Sa latest episode ng “Gud Morning Kapatid” nitong Lunes, Hulyo 28, sinabi ni Heydarian na kinakailangan umano ni Marcos ng “fireworks” dahil hindi uubra kung ilalatag lang ng pangulo ang mga tagumpay at plano ng administrasyon nito.

“He has to really step up. I think the instinct of the president is safe SONA, sabihin niya ito ‘yong grocery list ng kaniyang achievements, plans. But I don’t think that will be enough. I think he has to do some fireworks,” saad ni Heydarian.

“[H]e could make an announcement about maybe rejoining the ICC; he could make an announcement about suspending mga flood control project,” pagpapatuloy niya.

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

Dagdag pa ng political analyst, “Or i-scrutinize natin, maybe a new committee. Some big announcement on [online gambling] saka update do’n sa POGO ban last year. And then maybe, something on West Philippine Sea.”

Ayon kay Heydarian, kung wala umanong gagawing ganito ang pangulo, mabibigo itong palawakin ang base nito.

Matatandaang ayon sa isinagawang survey ng Octa Research na inilabas noong Abril 29 ay parehong bumaba ang trust at approval rating ni Marcos habang parehong tumaas naman ang kay Vice Presidente Sara Duterte.

MAKI-BALITA: Trust, approval rating ni PBBM, bumaba; tumaas naman kay VP Sara – OCTA