December 16, 2025

Home BALITA National

PBBM, alam na dismayado ang mga tao sa pamahalaan: 'Mas lalong galingan, mas lalong bilisan!'

PBBM, alam na dismayado ang mga tao sa pamahalaan: 'Mas lalong galingan, mas lalong bilisan!'
Photo courtesy: Screenshot from RTVM

Opisyal at pormal nang sinimulan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Quezon City, ngayong Lunes, Hulyo 28.

Sa pagsisimula pa lamang ay sinabi na niyang dismayado ang mga mamamayan sa performance ng pamahalaan, na makikita raw sa resulta ng katatapos na halalan.

"Malinaw sa akin ang naging mensahe ng resulta ng nakaraang halalan: Bigo at dismayado ang mga tao sa pamahalaan, lalo na sa mga pangunahing serbisyo," aniya.

Kaya naman, hamon niya sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan, "Ang leksyon sa atin ay simple lamang: Kailangan pa natin mas lalong galingan. Kailangan pa natin mas lalong bilisan."

National

'Di pera kundi solusyon!' Sec. Dizon, binalikan lamesang nilapagan ng ₱300M nina Alcantara, Hernandez

Matatandaang nauna na niyang sinabi ang patungkol dito sa isinagawang "BBM Podcast" episode 1 na hinost ng broadcast-journalist na si Anthony Taberna.

Diretsahang tanong ni Anthony ay kung ano raw ba ang naging realisasyon niya sa naganap na halalan.

Tugon naman ni PBBM, may dalawa raw siyang konklusyon tungkol sa naging resulta ng botohan.

Una raw ay tila nagsawa na ang mga Pilipino sa politika.

"I have two conclusions dito sa eleksyon. Una, nagsawa na ang Pilipino sa politika. Sawang-sawa na sa politika. Ang mensahe, sa aming lahat, hindi lamang sa akin kundi sa aming lahat, tama na 'yong pamumulitika ninyo, at kami naman ang asikasuhin ninyo. Tama rin naman, iyan naman talaga ang dapat nating ginagawa. Tapos na ang eleksyon, tama na 'yong politika. Magtrabaho na, gawin na natin lahat ng mga kailangang gawin..." paliwanag niya.

Pangalawa naman daw, disappointed ang tao sa serbisyo ng gobyerno.

"'Yong pangalawa, disappointed ang tao sa serbisyo ng gobyerno. Hindi nila nararamdaman at masyadong mabagal ang galaw... ang pagbubuo ng mga project na hindi pa nila maramdaman."

Palagay raw ni PBBM, ang nangyari dito, noong bago raw siyang upo bilang pangulo, ay "business as usual." Iyan daw ang ayaw mangyari ni PBBM dahil wala raw mangyayari sa Pilipinas.

"Sabi ko, kailangan nating baguhin ito. Kaya tiningnan ko 'yong malalaki, mahihirap na proyekto na long term ang magiging effect, iyon ang trabahuhin natin," anang Pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: Pinoy sawa na sa politika, disappointed sa serbisyo ng gobyerno!—PBBM