Nagbigay ng pahayag si "The Voice USA Season 26 Grand Winner" Sofronio Vasquez sa pagkakahirang niya para kumanta ng pambansang awit ng Pilipinas sa ikaapat na State of the Nation Address ni (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa behind-the-scenes footage ng rehearsal ni Sofronio na inilabas ng Radio Television Malacañang (RTVM) noong Linggo, Hulyo 27, sinabi niya ang naramdaman matapos maimbitahang kantahin ang “Lupang Hinirang” sa SONA 2025.
“Nakakatuwa,” sabi ni Sofronio. “Like, I was overwhelmed. Kasi bihira 'yong chances, and it's karangalan talaga to sing in front of the President just to honor the country, and of course, it's televised, so all of the people, even the world, will be able to watch this momentous event.”
Dagdag pa niya, “Professionally and personally, it’s a great honor. Nakadagdag siya sa aking, you know, self-esteem and recognition, and worth as a performer and as a professional singer.”
Matatandaang nauna nang inanunisyo ng Malacañang noong Hulyo 15 na si Sofronio ang nakatalagang kakanta ng “Lupang Hinirang” para sa ikaapat na ulat ng pangulo sa bayan.
MAKI-BALITA: Sofronio Vasquez, aawitin ‘Lupang Hinirang’ sa SONA
Si Sofronio ang kauna-unahang Asyanong nanalo sa “The Voice USA.” Nag-uwi siya ng tumataginting na premyong $100,000 at recording contract.
MAKI-BALITA: Sofronio Vasquez, wagi sa The Voice USA
Minsan na rin siyang bumisita sa Palasyo at flinex pa nga niya ang larawan nila ni Marcos matapos niyang magwagi sa naturang kompetisyon sa Amerika.
MAKI-BALITA: Sofronio Vasquez, flinex larawan nila ni PBBM sa Malacañang
Samantala, bago pa man tumuntong sa pandaigdigang entablado, sumabak muna si Sofronio sa “Tawag ng Tanghalan” kung saan siya naging finalist noong 2019.
MAKI-BALITA: Niligwak daw sa TNT: ABS-CBN, It's Showtime pinaratangang credit grabber dahil kay Sofronio