December 13, 2025

Home BALITA

Liderato ng Senado, Kamara, balik sa kamay nina Escudero, Romualdez para sa 20th Congress

Liderato ng Senado, Kamara, balik sa kamay nina Escudero, Romualdez para sa 20th Congress
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Nananatili sa kani-kanilang puwesto sina Sen. Chiz Escudero at Leyte 1st district. Rep. Martin Romualdez bilang na siyang kapuwa mamumuno sa Senado at Kamara.

Nitong Lunes, Hulyo 28, 2025, sabay sa pagbubukas ng 20th Congress, muling isinagawa ang magkahiwalay na botohan sa Senado at Kamara kung saan kapuwa nadomina nina Escudero at Romualdez ang nasabing resulta.

Sa Senado, wagi si Escudero matapos niyang talunin si Sen. Tito Sotto III matapos niyang makuha ang majority vote na 19-5. 

KAUGNAY NA BALITA: Sotto at Escudero, nagbotohan sa isa't isa; Escudero, SP ulit!

Parachute ng skydiver, sumabit sa traffic light; muntik na mabigti!

Samantala, muli ring naluklok sa pagka-House Speaker si Rep. Martin Romualdez matapos siyang makakuha ng 269 boto sa mga kongresista habang 34 naman ang nag-abstain sa naturang eleksyon.

Bahagya namang nagkaroon ng eksena sa Kamara matapos mag-walkout ang binabansagang “Duterte bloc” ng Kamara na sina Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, anak niyang si Davao 2nd district Rep. Omar Duterte at Puwera ng Pilipinong Pandagat (PPP) Partylist Rep. Harold Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Pulong, nag-walk out sa Kamara, ayaw makisali sa political circus