Inatasan na umano ni Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos ang mga awtoridad na magkasa ng malawakang imbestigasyon kaugnay sa 8 bilanggong nakatakas sa Batangas Pronvincial Jail nitong Lunes, Hulyo 28.
Ayon sa Batangas Public Information Office nito ring Lunes, bandang 9:30 kaninang umaga nang umeskapo ang mga preso sa naturang provincial jail na matatagpuan sa Barangay Malainin.
“Sa mga lumabas na balita, pasado alas-9:30 kanina nang makatakas ang mga bilanggo sa pamamagitan ng pagtutok ng patalim sa isa sa mga prison guard at saka inagaw ang service firearm nito,” saad ng Batangas PIO.
Ayon pa umano kay Provincial Administrator, Atty. Joel Montealto, pinatututukan na ng gobernador ang pagpapasiyasat sa naganap na insidente sa bagong panlalawigang kulungan.