December 13, 2025

Home BALITA National

Giit ni PBBM: Kaguruan, pinakamahalaga sa sistema ng edukasyon

Giit ni PBBM: Kaguruan, pinakamahalaga sa sistema ng edukasyon
Photo Courtesy: RTVM (FB), via MB

Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kaguruan ang pinakamalaking bahagi sa sistema ng edukasyon.

Sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulo nitong Lunes, Hulyo 28, sinabi niyang makakaasa umano ang mga guro na hindi susukatin ang kanilang husay batay sa dami ng estudyanteng ipinapasa ng mga ito.

Aniya, “Ang pinakamahalaga sa sistema ng edukasyon ay ang ating mga mahal na guro. Asahan po ninyo na hindi gagawing sukatan ang galing ninyo o ng performance ninyo ang dami lang ng estudyante na inyong ipinapasa.”

“Kundi ang dami ng mag-aaral na inyong pinapahusay at pinapataas ang ambisyon sa buhay," dugtong pa ni Marcos.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Bukod dito, iniulat din ng pangulo na nagdaratingan na umano ang mga laptop na laan sa mga gurong nasa public school. Tiniyak umano ng pamahalaan na walang anomalya sa likod nito.

MAKI-BALITA: Laptop para sa mga guro, nagdaratingan na —PBBM

Matatandaang sa ikatlong SONA ng pangulo noong 2023 ay binigyang-diin niya ang pangangailangang itaguyod ang kapakanan ng mga guro upang makamit ang hinahangad na tagumpay sa edukasyon.

Ito ang hamon niya kay dating Senador Sonny Angara na noo’y kapapanumpa pa lang bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos ipasa ni Vice President Sara Duterte ang panunungkulan nito sa ginanap na turnover ceremony sa Bulwagan ng Karunungan sa Pasay City.

MAKI-BALITA: Hamon ni PBBM kay Angara: 'Tiyakin ang pagbangon, pagtaas ng kalidad ng edukasyon'