December 14, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Mga umawit ng Lupang Hinirang sa nagdaang SONA ni PBBM

ALAMIN: Mga umawit ng Lupang Hinirang sa nagdaang SONA ni PBBM
Photo Courtesy: Samiweng Singers/FB, screengrab from RTVM

Sa bawat State of the Nation Address (SONA) taun-taon, laging highlight ng seremonya ang pagkanta ng pambansang awit ng Pilipinas na “Lupang Hinirang.”

Liban dito, kaabang-abang din kung sino ba ang inaatasang kakanta ng awiting ito.

Sino-sino nga ba ang mga umawit ng Lupang Hinirang sa nagdaang SONA ni Pangulong Marcos Jr.?

Nang mahalal si Pangulong Marcos bilang ika-17 na pangulo ng Pilipinas noong 2022, agad na isinagawa ang kaniyang SONA isang buwan matapos siyang maluklok sa posisyon.

Human-Interest

Misis sinimot 13th month pay ni Mister nang walang paalam: ‘May karapatan ako sa pera mo!'

SONA 2022

Inawit ng Samiweng Singers mula sa Ilocos Norte ang Lupang Hinirang noong SONA 2022. Ang Samiweng Singers ay ang opisyal na choir ng Ilocos Norte ng National High School, na binuo ni Robert Caluya noong 2001. Maliban sa SONA 2022, maraming events na ang dinaluhan ng mga mang-aawit tulad ng Miss Earth Pageant 2003 at 2004.

SONA 2023

Noong SONA 2023, inatasan naman ang mang-aawit na si Lara Maigue upang kantahin ang pambansang awit ng Pilipinas. 

Si Lara Maigue ay kilalang Pilipinong mang-aawit, na nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Siya ay mula sa College of Music major in Voice.

Nakatanggap si Maigue ng ilang mga karangalan sa larangan ng pag-awit tulad ng Best Female Classical Performer noong 2017 at Best Female Crossover Artist ng 2018.

Nakasama na rin ni Maigue sa ilang mga concert ang mga kilalang mang-aawit sa bansa tulad ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra, Philippine Philharmonic Orchestra, at Manila Symphony Orchestra. SIla ay nag-perform sa iba’t ibang lugar sa bansa kabilang na ang prestihiyosong Cultural Center of the Philippines.

MAKI-BALITA: Classical Filipino singer Lara Maigue, kakanta ng National Anthem sa SONA ni PBBM-Balita

SONA 2024

Inawit naman ni Blessie Mae Alipopo Abagat ang Lupang Hinirang sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos noong 2024, na ginanap sa Batasang Pambansa.

Si Abagat ay tubong Bicol, na nagpamalas ng aking husay sa pag-awit sa World Championships of Performing Arts (WCOPA). Nagwagi si Abagat bilang 2024 Division Champion sa Vocal Pop at Semifinal Silver Medalist naman sa Vocal Gospel. Nasungkit niya ang tatlong ginto at isang pilak na medalya sa nasabing kompetisyon.

Ang kaniyang pag-awit noong SONA 2024 ay hindi lamang pagpapakita ng kaniyang talento, ngunit selebrasyon ng kaniyang mga nasungkit na parangal bunsod ng angkin niyang talento.

MAKI-BALITA: KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024-Balita

SONA 2025

Ngayong ikaapat na SONA ng ating pangulo, na gaganapin ngayong araw, Lunes, Hulyo 28, 2025 sa Batasang Pambansa, ay inatasan ang mang-aawit na si Sofronio Vasquez upang kantahin ang pambansang awit ng Pilipinas.

“Selecting Vasquez, a multi-awarded singer known for his powerful renditions of patriotic and classical pieces, reflects the administration’s intent to blend tradition and excellence in this year’s SONA ceremony,” ani PCO sa kanilang anunsiyo.

Matatandaang nagwagi si Sofronio Vasquez bilang grand winner ng “The Voice” USA sa ika-26 nitong edisyon.

MAKI-BALITA: Sofronio Vasquez, aawitin ‘Lupang Hinirang’ sa SONA-Balita

Ang mga mang-aawit na inatasang kantahin ang Lupang Hinirang sa SONA ng pangulo ay hindi lamang simpleng umawit o aawit, bagkus sila ay uukit at mamarka sa kasaysayan ng ating bansa. 

Vincent Gutierrez/BALITA