December 13, 2025

Home BALITA National

Travel, aprub ni Remulla: Paboksing ni Torre, umano'y itinaon sa araw na wala si Baste?

Travel, aprub ni Remulla: Paboksing ni Torre, umano'y itinaon sa araw na wala si Baste?
Photo courtesy: Sebastian Duterte, Jonvic Remulla (FB)/MB

Usap-usapan ng mga netizen ang kopya ng aprubadong travel authority form ni Davao City Acting Mayor Sebastian "Baste" Duterte na ibinahagi niya sa kaniyang social media account nitong Linggo, Hulyo 27.

Nagpaabot kasi ng pagbati para kay Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III ang "katunggaling" Davao City acting mayor matapos manalo ng una by default sa kanilang boxing match ngayong Linggo, Hulyo 27, 2025, sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.

"Chimps from the planet of the apes cannot comprehend. Congrats Diwata torre!" mababasa sa caption ng kaniyang Facebook post.

Ipinakita rin ni Duterte na noon pang Hulyo 20, 2025 naaprubahan ang kaniyang travel clearance, mula Hulyo 25 hanggang Hulyo 29, 2025, para sa kaniyang personal trip patungong Singapore.

National

PBBM, ibinida bagong Banago Port sa Bacolod City!

Sa ibaba, makikita ang lagda ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor "Jonvic" C. Remulla.

Hindi nakasipot si Duterte sa kanilang laban dahil lumipad siya patungong Singapore, batay na rin sa nakasaad sa granted na travel authority.

Namataan umano ang DILG Secretary sa venue ng boxing match kung saan naispatan pang nag-warm up si Torre.

KAUGNAY NA BALITA: 'Congrats Diwata Torre!' Baste, pinagduldulan travel authority form kay Torre

ESPEKULASYON AT ALEGASYON NG MGA NETIZEN

Dahil dito, nagkomento ang maraming netizen sa post ng travel authority ni Duterte, at ang iba ay nag-share pa nito, na pirmado raw ni Remulla ang travel authority ni Duterte; samakatwid ay alam umano niyang mawawala ng Hulyo 27 ang makakalaban ni Torre.

Tanong ng karamihan sa mga netizen, tila alam umano naman pala ni Remulla na wala si Duterte sa mga sandaling iyon, bakit ipinagpatuloy pa ang event?

Nagkataon namang na-set ang bakbakan match nitong Linggo, Hulyo 27, na pasok sa aprubadong Hulyo 25 hanggang Hulyo 29 na personal trip ni Duterte.

Hulyo 23 nang magdeklara si Torre na kumakasa siya sa nabanggit na "suntukan" nila ni Duterte, at gagawin daw ito sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

KAUGNAY NA BALITA: Torre, kumasa sa hamong suntukan kay VM Baste; inaya ng 12 rounds sa Araneta!

Hulyo 24, iginiit ni Torre na nakahanda na raw ang boxing ring sa Rizal Memorial Coliseum at may sponsors na rin daw na nakahandang sumuporta.

KAUGNAY NA BALITA: Suntukang Torre-Baste, gaganapin sa Rizal Memorial Coliseum; boxing ring, inihahanda na?

Hulyo 25, lumabas ang balitang patungong Singapore si Duterte, ayon sa kumpirmasyon ng National Bureau of Investigation (NBI). Lumabas din ang ilang mga larawang nasa airport siya.

KAUGNAY NA BALITA: Baste Duterte, lumipad na patungong Singapore; tinakasan na si Torre?

Samantala, isa sa mga nagkomento tungkol dito ang dating presidential spokesperson ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na si Atty. Trixie Angeles-Cruz, sa kaniyang Facebook account na "Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan."

Mababasa sa kaniyang post, as is published, "Ay. May travel authority."

"Ay. Issued ang TA ng DILG."

"Ay. Andun MISMO si Sec. JonVic Remulla sa non-event ni Torre."

"Ay. Alam nila na wala si Mayor Baste, kaya iniskedyul nila ng day na wala si Mayor."

"Ay. Ayaw na daw ni Torre."

"Ay."

REMATCH, POSIBLE PA BA?

Matapos manalo by default, natanong ng media si Torre kung open pa ba siya sa isang rematch, sinabi ng hepe ng kapulisan na mukhang hindi na, dahil marami aniya siyang dapat gawin. Isa pa raw, nag-exert na raw siya ng effort para dito subalit hindi naman daw sinipot ni Duterte.

"I have a lot of work and this is not worth responding to,” anang Torre.

“As you can see, we exerted a lot of effort in this event. I don’t think he is worth responding to at this point. We should just let him be in his own world,” aniya pa.

KAUGNAY NA BALITA: Torre, dedma na sa posibleng sapakan rematch nila ni Baste?

Ibinahagi naman ni Duterte ang screenshot ng isang ulat patungkol sa sinasabing hindi na interesado si Torre sa isang rematch.

"Sad," tanging sabi niya, na mababasa sa comment section ng kaniyang post.

Matatandaang nasabi ni Duterte na papayag siyang makipagsuntukan kay Torre subalit hindi na dapat pang gumamit ng gloves at hindi na raw kailangan pang "magpa-showbiz."

Nagkaroon din ng kondisyon si Duterte na papayag siya sa bugbugan, kung papakiusapan daw ni Torre ang "among Presidente" na magpa-hair follicle drug test ang lahat ng elected officials.

KAUGNAY NA BALITA: Baste, ayaw ng suntukang may gloves; pina-reschedule bugbugan nila ni Torre

KAUGNAY NA BALITA: Baste, may kondisyon bago makipagbugbugan kay Torre

Wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang Palasyo tungkol dito, na abala pa sa State of the Nation Address (SONA) ni PBBM sa Lunes, Hulyo 28.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni DILG Sec. Remulla patungkol sa mga alegasyon ng mga netizen. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga detalye sa nakaambang bakbakang 'Duterte-Torre'