December 13, 2025

Home SPORTS

Torre, 'di pinagpawisan kay Baste; may round 2 pa kaya?

Torre, 'di pinagpawisan kay Baste; may round 2 pa kaya?
Photo courtesy: via MB, contributed photo

Itinanghal na panalo si Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III sa kanilang naunsyaming boxing match matapos ang ‘di pagsipot ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte nitong Linggo, Hulyo 27, 2025.

Sa kabila ng kawalang kumpirmasyon ni Baste, nagpakita at tumapak sa boxing ring si Torre hanggang sa tuluyan siyang itanghal na panalo via win by default. 

Hindi man sumipot ang kalaban sa main event, rumatsada ang charity boxing match na tumabo ng tinatayang ₱15 milyon.

KAUGNAY NA BALITA: Naunsyaming tapatang Duterte-Torre, pumaldo ng tinatayang ₱15M

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Samantala, sa hiwalay na pahayag, iginiit ni Baste na nakahanda pa raw niyang pagbigyan ang bakbakan nila ni Torre sa mga dadating na araw, partikular na sa Martes at Miyerkules. Ito ay matapos mapaulat ang kaniyang pag-alis ng bansa bunsod umano ng hindi pa tukoy na detalye.

“Kung gusto mo ‘yan charity na ‘yan and you’ve laid some conditions then let me laid my own conditions for the event—kung serious ka talaga ha? But I cannot be there sa Sunday, I have other things to do,” ani Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Baste, ayaw ng suntukang may gloves; pina-reschedule bugbugan nila ni Torre

Saad pa ni Duterte, mas gugustuhin din daw niya na makabugbugan si Torre ng walang gamit na boxing gloves at wala rin daw nakaharap na camera. 

“Gusto mo puntahan kita, walang camera suntukan tayo walang gloves. Bakit ba kailangan mo ng ano? [gloves]. Masyado ka mang ma-showbiz,” saad ni Duterte.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang malinaw na tugon kung muling kakasahan ni Torre ang mga araw na nabanggit ni Baste upang matuloy ang naunsyami nilang tapatan.