Ibinahagi ng ex-Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate at Kapuso Sparkle artist na si Shuvee Etrata ang pananaw niya pagdating sa premarital sex.
Sa latest episode kasi ng vlog ni Unkabogable Star Vice Ganda noong Sabado, Hulyo 26, napag-usapan ang tungkol sa mga lalaking nagparamdam kay Shuvee.
Isa na nga rito ay ang sikat na aktor na ibinuking ng kaibigan at kapuwa PBB housemate ni Shuvee na si Ashley Ortega bagama’t hindi rin naman nito pinangalanan.
Pero kalaunan, si Ashley din mismo ang sumawata sa kaibigan para huwag na nitong ituloy pa ang pakikipag-ugnayan sa sikat na aktor.
“Parang alam ko lang din kasi ‘yong parang ginagawa nila kay Shuvee,” ani Ashley.
Sabi naman ni Shuvee, “Kasi feeling nila, taga-isla ta’s makuha kaagad nila ‘yong virginity. [...] Sometimes ‘yon ‘yong tingin ng lalaki sa akin. Dine-devalue nila ako as a woman. Kasi feeling nila, taga-probinsya. Kaya nilang loko-lokohin.”
Ayon sa Kapuso Sparkle artist, may mga lalaki raw na talagang niyayaya siya sa condo nito. Pero kahit hirap siyang magtiwala, gusto pa rin naman daw talaga niyang magmahal.
“Ako talaga, it’s hard for me to trust. Pero at the same time gusto ko rin namang magmahal. Kasi non-negotiable po [sa akin] ang sex. I don’t support premarital sex,” saad ni Shuvee.
Dagdag pa niya, “You know, puwedeng mag-enjoy, magtikiman. Gano’n-gano’n. Ta’s hanggang mas mahanap mo ‘yong gusto mo. Para sa akin naman, I don’t believe in that.”
Sa kasalukuyan, hindi pa raw nagkakaroon ng jowa si Shuvee kahit isa ngunit hindi naman niya itinaggi na maraming nanliligaw sa kaniya. At isa na nga sa mga ito si Anthony Constantino.
Sa isang panayam noong Hunyo, inamin ni Shuvee na nanliligaw nga sa kaniya ang model at bagong Kapuso Sparkle artist bago pa man siya pumasok sa Bahay ni Kuya.
Pero dahil nakatakda nga siyang maging housemate, hindi raw muna niya sinagot si Anthony gaya na rin ng payo ni Ashley.
MAKI-BALITA: Shuvee, ikinanta na ang namamagitan sa kanila ni Anthony
Matatandaang nagsimulang pag-usapan ang real-score sa pagitan nilang dalawa noong salubungin ni Anthony si Shuvee matapos nitong ma-evict bilang celebrity housemate.
Hindi lang kasi siya basta sinalubong ni Anthony, niyakap pa siya at inabutan ng bonggang boquet!
MAKI-BALITA: KILALANIN: Sino ang boylet na sumalubong kay Shuvee Etrata pagkalabas sa Bahay ni Kuya?