December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Sey ni Vice Ganda: Magulang, dapat mahiya rin sa anak

Sey ni Vice Ganda: Magulang, dapat mahiya rin sa anak
Photo Courtesy: Vice Ganda (FB)

Naghayag ng sentimyento si Unkabogable Star at “It’s Showtime” host Vice Ganda sa mga magulang na nagpaparami ng anak.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Vice noong Sabado, Hulyo 26, ibinahagi ni ex-Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate Shuvee Etrata ang bubog niya sa buhay.

Ayon kay Shuvee, “‘Yon ‘yong naging parang hatred ko ba. Kasi…bakit ba ginawa kaming siyam? Kung hindi naman nila kaya, lima pa lang kami noon, hirap na kami. Tapos nag-anak naman sila nang nag-anak. Never silang tumigil. ‘Yon po ‘yong bubog ko.”

Ngunit nakapagpatawad na raw naman ang Kapuso Sparkle artist. Naging daan umano ang Bahay ni Kuya para mahiya ang kaniyang mga magulang dahil sa isang episode ng PBB ay inilabas niya ang kaniyang saloobin sa pamilya.

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

“Dapat talaga mahiya ‘yong mga magulang,” sabi naman ni Vice. “Kasi ‘di ba laging sa lipunan mas nire-require ‘yong mga anak na mahiya sa kanilang mga magulang. Pero dapat ang mga magulang mahiya rin sa kanilang mga anak, lalo pa’t bata ka pa at wala ka pang kakayahang buhayin ang sarili mo.”

“So nakadepende ‘yong uri ng buhay mo sa kung anong uri ng buhay ang ibibigay sa ‘yo ng mga magulang mo. Kaya kung lumaki kang ang hirap-hirap ng estado mo, kagagawan ‘yon ng magulang. Kaya dapat nahihiya rin ‘yong magulang,” dugtong pa ng Unkabogable Star.

Ito raw ang dahilan kung bakit madalas nililibre si Shuvee ng kaibigan at kapuwa niya housemate na si Ashley Ortega. 

Naikuwento nga ni Shuvee sa isang bahagi ng panayam na noong minsan, niyaya siyang kumain ni Ashley sa isang stakehouse sa Rockwell na ang dala lang niya ay ₱4,000.

“Akala ko pa magkaniya-kaniya kami ng bayad. ₱4,000 lang laman ng [wallet ko]. Last money ko na ‘yon. Ibabayad ko pa ‘yon sa bills. ‘Di niya alam ‘yon na lang ‘yong natirang pera ko,” lahad ni Shuvee.

Dagdag pa niya, “Pero no’ng time na ‘yon gusto ko lang makipag-dinner sa kaniya. Kasi kinilig ako inaya niya ako mag-dinner.”

Matatandaang nagsimula ang friendship ng dalawa nang magkasama sila sa kauna-unahang ice skating drama series ng GMA Network na “Hearts on Ice” noong 2023.

Ayon kay Shuvee, bago pa man daw niya maging kaibigan si Ashley, nirerespeto at tinitingala na raw niya ito.