December 14, 2025

Home FEATURES Human-Interest

PRC Humanitarian Caravan, nasa La Union na para magbigay ng ayuda

PRC Humanitarian Caravan, nasa La Union na para magbigay ng ayuda
Photo Courtesy: Philippine Red Cross/FB

Dumating na ang unang team ng Philippine Red Cross (PRC) Humanitarian Caravan sa probinsya ng La Union ngayong Linggo, Hulyo 27, 2025, upang tulungan ang mga apektadong residente sa lugar at karatig-bayan, bunsod ng nagdaang habagat noong nakaraang linggo.

Makikita sa Facebook post ng Philippine Red Cross na dakong 3:58 ng umaga dumating ang nasabing team na may 14 na personnel, na may kani-kaniyang trabaho bilang medical support, taga-assist sa pamimigay ng relief packs, at iba pa.

Kasabay nito ang mga water tanker, rescue truck, food truck, at isang service vehicle na makatutulong upang mapabilis ang pag-abot ng ayuda sa mga apektadong komunidad.

Dala ng PRC ang 350 food packs para sa La Union at 300 naman para sa mga nasalanta sa Alaminos.

Human-Interest

Misis sinimot 13th month pay ni Mister nang walang paalam: ‘May karapatan ako sa pera mo!'

Inaasahan na rin ang paparating na ambulansya mula sa PRC Abra Chapter at isang wing van mula sa National Headquarters (NHQ).

“Patuloy ang #AlagangRedCross sa paghatid ng mabilis, maaasahan, at makataong serbisyo—lalo na sa gitna ng sakuna. Sama-sama tayong kikilos para sa bayan!” ani PRC sa caption.

Vincent Gutierrez/BALITA