Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III na umabot sa ₱15 milyon ang nakalap ng ikinasa nilang charity boxing match sa pagitan niya at ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Sa kabila nang hindi pagsipot ng alkalde, bumuhos pa rin daw ang mga donasyon sa nasabing naunsyami nilang tapatan.
“As of last night, we were able to generate ₱15 million cash. There were also goods like canned products, sacks of rice and other relief goods. These will all be given to our kababayan affected by the calamity,” ani Torre sa panayam sa kaniya ng media nitong Linggo, Hulyo 27, 2025.
Dagdag pa niya, “I was also surprised with the flow of support. But I am thankful to our kababayan who responded to our call because this event, this charity boxing match, is really for entertainment because of what happened in the days.”
Samantala, pinasalamatan din niya ang lahat nang nag-sponsor at nagpahayag ng suporta sa kanilang charity boxing match.
“Those who arrived today are paying sponsors, paying donors. I really thank them for their support,” anang PNP Chief.
Matatandaang hindi dumalo sa Baste matapos umugong ang mga balitang lumipad na raw ito sa Singapore kasama ang kaniyang pamilya. Sa hiwalay na pahayag naman, iginiit ni Baste na nakahanda siyang makipagtunggali kay Torre ngunit sa ibang araw na lamang daw maliban sa Linggo.
“Kung gusto mo ‘yan charity na ‘yan and you’ve laid some conditions then let me laid my own conditions for the event—kung serious ka talaga ha? But I cannot be there sa Sunday, I have other things to do,” ani Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: Baste, ayaw ng suntukang may gloves; pina-reschedule bugbugan nila ni Torre
Ito ang ikalawang beses na humirit ng kondisyon si Baste matapos niyang ilatag ang iba pa niyang kondisyon bago raw matuloy ang suntukan nila Torre.
KAUGNAY NA BALITA: Baste, may kondisyon bago makipagbugbugan kay Torre