December 13, 2025

Home BALITA Metro

Mga organisasyon, naghahanap ng design concepts para sa muling pagsasaayos ng EDSA

Mga organisasyon, naghahanap ng design concepts para sa muling pagsasaayos ng EDSA
Photo Courtesy: Santi San Juan/MB

Inilunsad ng mga non-profit organization tulad ng Institute for Climate and Sustainable Cities, AltMobility PH, at Move As One Coalition ang “RebuildEDSA Challenge.”

Layunin ng hamong ito na makahanap ng mga makabagong design concept para sa muling pagsasaayos ng EDSA bilang ligtas, accessible, people-centric, at inklusibong kalsada.

Sa isang Facebook post ng Move As One Coalition noong Biyernes, Hulyo 26, inilatag nila ang mga detalye hinggil sa nasabing hamon.

“EDSA is getting rebuilt. This is our chance to make it work for people, not just cars,” saad sa caption.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Dagdag pa nila, “Have ideas on how we can rebuild EDSA to be safe, inclusive, and dignified for the thousands who walk, bike, and commute every day?”

May tiyansang manalo ng hanggang ₱100,000 ang maswerteng kalahok na mapipili. Samantala, sa makakakuha ng ikalawang puwesto, makakapag-uwi siya ng ₱50,000 at sa ikatlong puwesto naman ay ₱25,000. 

Bukod dito, may nakalaan ding ₱10,000 para sa makakasungkit ng espesyal na kategoryang “People’s Choice Awards.”

Bukas ang hamong ito hanggang Agosto 24, 2025, bago pumatak ang 12 a.m.

Inaanyayahang magpasa ng design concepts ang sinoman kahit anong background o propesyon. Basta hindi bababa sa 18 ang edad at kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas. Maaaring sumali nang solo o grupong binubuo ng limang miyembro.

Lahat ng lahok na design concepts ay dapat naayon sa sumusunod na format bago ipasa sa Google Form na ito.