December 13, 2025

Home BALITA Politics

Kamara, aapela ng motion for reconsideration para sa impeachment vs VP Sara

Kamara, aapela ng motion for reconsideration para sa impeachment vs VP Sara
Photo Courtesy: via MB

Nagbigay ng pahayag ang Kamara kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema na labag umano sa Konstitusyon ang Articles of Impeachment ni Vice Presidente Sara Duterte.

Sa video statement ni House spokesperson Princess Abante nitong Linggo, Hulyo 27, sinabi niyang nababahala raw sila sa desisyong ito ng Korte Suprema.

“Una sa lahat, nananatili ang respeto ng Kamara sa ating Korte Suprema. Subalit kami ay lubos na nababahala matapos naming matanggap at mabasa ang desisyon ng Korte Suprema kung saan pinawalang-bisa ang impeachment complaint na isinampa noong ikalima ng Pebrero 2025 laban kay Vice President Sara Duterte,” saad ni Abante.

Dagdag pa niya, “Ang Kamara matapos ang masusing pag-aaral ay maghahain ng motion for reconsideration dahil ang desisyon na nagsasabing ang Articles of Impeachment na ipinadala sa Senado ay barred o unconstitutional ay nakaangkla sa mga factual premises o findings na mali at salungat sa opisyal na record ng Kamara.”

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Iginiit din ni Abante ang paninindigan ng Kamara sa proseso ng paglilitis sa bise presidente ay naaayon sa nakasaad sa Konstitusyon.

“Sa madaling salita, ginawa ng Kamara ang lahat upang sundan ang mga alituntunin at prinsipyo ng ating Saligang Batas at ng mga naunang pasya ng Korte Suprema,” anang tagapagsalita ng Kamara.