January 04, 2026

Home SHOWBIZ

Hirit ni John Arcilla: Pagiging bastos sa kapuwa, hindi pagpapakatotoo!

Hirit ni John Arcilla: Pagiging bastos sa kapuwa, hindi pagpapakatotoo!
Photo Courtesy: John Arcilla (FB)

Naghayag ng reaksiyon ang award-winning actor na si John Arcilla kaugnay sa pagiging rude ng isang tao mula sa napanood niyang video sa isang presentation.

Sa latest Facebook post ni John nitong Linggo, Hulyo 27, ipinaliwanag niya ang tunay na kahulugan ng pagiging totoong tao. 

“Ang ibig sabihin ng pagiging totoong tao ay ang paggamit ng ating likas na kakayahang magtimpi, pumili ng wasto, maging diplomatiko, at alamin ang tama sa mali,” saad ni John.

“Minsan sumasablay tayo diyan,” pagpapatuloy niya. “Pero at least alam natin na hindi yun wasto o hindi yun pagpapakatotoo.”

Maymay Entrata, naninibago sa bagong relasyon

Dagdag pa ng award-winning actor, “[A]ng pagtitimpi o pagpili ng disposisyon o salita ay hindi kaplastikan.

Iyon ay isang natural, likas, at makataong kapasidad—at ito ang nagpapaiba sa atin sa hayop.”

Umani naman ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"~Tama po.. Depende lang din sa pagpapakatotoo.. At meron din naman kase di lang mga bastos mga pakialamero at pakialamera pa sa buhay ng ibang tao.. Hahaha."

"True and indeed!"

"Kung sa loob ng bhay ay puro murahan kahit sa harap ng hapag kainan ay murahan din paglabas ng bahay eh madadala mo yan kahit sa Socmed madadala pa din nag ganun pag uugali..."

"pag Duterte natural sa kanila yun para di masiwalat ang mga tinatago"

"Tama ka Sir"

"Hindi dapat bastos kailan man"

Samantala, hindi naman na nagbigay pa ng ibang detalye si John patungkol sa video na napanood niya.