December 22, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Nakakadagdag-angas o tapang nga ba ang mga tattoo sa katawan?

ALAMIN: Nakakadagdag-angas o tapang nga ba ang mga tattoo sa katawan?
Photo courtesy: Pexels

Usap-usapan sa social media ang tila panghihinayang ng ilan sa mga tattoo ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte matapos siyang hindi sumipot sa kanilang charity boxing match ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III.

Sey kasi ng netizens, tila nawala raw ang angas ng alkalde na isang matipuno at balot ng maaangas na tattoo, matapos siyang lumipad patungong Singapore sa halip na harapin si Torre.

KAUGNAY NA BALITA: Baste, ayaw ng suntukang may gloves; pina-reschedule bugbugan nila ni Torre

KAUGNAY NA BALITA: Baste Duterte, lumipad na patungong Singapore; tinakasan na si Torre?

Mga Pagdiriwang

KILALANIN: Pinoy legends sa basketball court

“Maangas sa labas, takas naman palabas!”

“Sagana sa ngakngak!”

“Pang display lang ang tattoo!”

“Sayang angas ng tattoo mo wala ka namang yagba!”

“Sayang ang tattoo max!”

“Panakip-kaduwagan lang yung tattoo eh,”

Sa mas marami pang naglalakihang personalidad, hindi lang si Baste ang nag-iisang matipunong binalot na ng mga naglalakihang tattoo sa katawan. Bagama’t nakaugat nga rin sa kultura at kasaysayan ng bansa ang mga tattoo bilang marka ng mga mandrigma, tila mabilis naman itong nagbago sa kasalukuyang panahon. 

Mula sa mga mandirigma, kalalakihan at mga matitipunong katawan, maging ang mga kababaihan at kabataan ay naging bukas na rin sa paglalagay ng mga tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. 

Ang tattoo sa katawan, maliit man o malaki—nakakadagdag tapang o angas nga ba sa isang tao?

Ayon sa psychologist na si Tofi De Jesus, ang pagkakaroon ng tattoo sa katawan ay isang paraan ng pagpapakita ng pagkatao ng isang indibiwal.

“Ang [pagpapa]tattoo simula pa noon ay is now a sign ng individuality mo bilang isang tao. Kaya kadalasan kapag nagpapa-tattoo ka, humahanap ka ng simbolismo na makakapag-reflect nang kung sino ka—kung anong characteristic ang gusto mong ilabas sa kung ano ka bilang isang tao,” aniya. 

Samantala, sa isang online platform na reddit, ilang netizen na rin ang nagbahagi ng kani-kanilang dahilan kung nakakadagdag nga ba ng angas sa kanila ang pagkakaroon nila ng iba’t ibang uri ng tattoo.

“Ang paglalagay ng art na gusto ko rito ay nagpaparamdam sa akin ng mas positive mindset sa akin.”

“Ang cool lang mapa-customize natin ang katawan natin.”

“Deep personal meaning (traumas).”

“Mas nakaka-empower inside-out.”

“Mas madali kasing sabihin sa tattoo instead na sabihin ng words.”

“Minsan trip ko lang. For the hype and no regrets naman.”

Bagama’t kalimitang nagiging sukatan ang panlabas na kaanyuan, katulad ng mga tattoo sa katawan—maraming mas malalim na kahulugan ang isang indibidwal na nagpapalagay ng mga marka na tanda ng kanilang tagumpay, buhay at pagkatao.