Tila hindi pa rin kupas sa mga Pinoy ang pagmamahal nito sa isport na boxing na siyang patuloy pa ring sinusubaybayan sa mga nakalipas na taon.
Sa loob ng isang linggo, bumulaga sa taumbayan ang mga bakbakan sa loob ng boxing ring na gumawa ng ingay sa loob at labas ng bansa—mga tapatang nag-uwi ng karangalan, bumuhay ng pagkakakilanlan ng tatak Pinoy at bakbakang hindi man umabot sa boxing ring ay muntik namang umukit ng kasaysayan.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga detalye sa nakaambang bakbakang 'Duterte-Torre'
Noong Linggo, Hulyo 20, 2025, muling nabuhay ang boxing fans matapos magbalik mula sa kaniyang apat na taong pagkakaretiro si Pambansang Kamao Manny Pacquiao na sinabayan pa ng dalawang pagkapanalo sa undercard fights nina Mark Magsayo at 2020 Olympic bronze medalist Eumir Marcial.
Knock Out win ni Marcial
Wagi si Marcial matapos niyang pabagsakin si Bernard Joseph sa third round via technical knockout sa middleweight division.
Pagtungtong 1:55 mark ng third round, nagpakawala na ng right hook combination si Marcial dahilan upang patulugin na ang kampanya ni Joseph sa kanilang tapatan.
Ang unanimous win ni Magsayo
Umukit din ng pagkapanalo si Magsayo via unanimous decision kontra kay Jorge Mata. Ito ang ikaapat na panalo ni Magsayo upang makatungtong na world championship.
KAUGNAY NA BALITA: 2 Pinoy boxers, wagi sa undercard fights bago ang tapatang 'Pacquiao-Barrios'
Majority draw sa pagitan nina Pacquiao-Barrios
Napanatili ni Mario Barrios ang kaniyang titulo laban kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao via majority draw sa kanilang dikit na bakbakan para sa WBC welterweight title.
Naiuwi pa rin ni Barrios ang kaniyang titulo sa kanila ng pagdodomina ni Pacquiao sa loob ng ilang rounds. Bagama’t tumabla sa dalawang judges, pumabor kay Barrios ang iskor ng isang judge na, 115-113.
Samantala, matapos gumawa ng ingay ang muling pagbabalik ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa boxing ring noong nakaraang linggo, panibagong tapatan ang muling namumuo para sa kakaibang bakbakan—ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na magmumula sa mga boksingero.
Win by default ng naunsyaming bakbakang Duterte-Torre
Sa kabila ng mga maaanghang na salita, hindi nagpakita si Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa isang charity boxing match na ikinasa ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre matapos niyang tanggapin ang naunang hamon ni Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: Torre, 'di pinagpawisan kay Baste; may round 2 pa kaya?
Hindi man sumipot ang kalaban sa main event, rumatsada ang charity boxing match na tumabo ng tinatayang ₱15 milyon.
KAUGNAY NA BALITA: Naunsyaming tapatang Duterte-Torre, pumaldo ng tinatayang ₱15M