Sa dami ng bills na kailangang bayaran sa kuryente, tubig, Wi-Fi, o minsan may upa pa, mahalaga talagang may talent ang tao sa paghawak ng pera.
Sigurado ka bang swak ang iyong budget? Check mo kaya, baka butas ang bulsa mo! O bulsa ba ang problema, yung bills, o mismong hustle mo?
Mababasa sa Facebook post ng kilalang motivational speaker at entrepreneur na si Chinkee Tan ang Top 10 patok na negosyo, lalo na kung ikaw ay nag-uumpisa pa lang sa mundo ng business.
1. Paresan
Ayon kay Chinkee Tan, trending ang paresan ngayon lalo na sa mga mataong lugar. Ang advantages kasi nito, mura ito at madaling i-prepare. Siguraduhin lang daw na malinis at patok sa customers ang lasa nito para sure ang pagbalik ng mga bumibili. Isa pa raw sa kagandahan ng business na ito, free ka from rental fee dahil madalas tricycle lang, aarangkada na ang negosyong ito. Puwede ka pang pumunta anytime sa lugar na maraming tao for more chances of being sold out. Puwede ka rin daw kumita ng 10,000 to 30,000 kada araw depende sa lakas nito!
2. Clothing business
Sa malawak na paglaganap ng social media ngayon, madaling magbo-boom ang clothing business ideas mo. Sa pagti-TikTok at Facebook live, puwede mo na ibenta ang mga paninda mo, samahan mo lang ng good selling and marketing skills. Libre ka pa from rent dahil wala ka namang uupahan, cellphone at Wi-Fi o internet data lang, sapat na. Puwede ka ring mag-reseller o lumikha ng sariling clothing line, nasa diskarte mo ‘yan!
3. Hardware
All seasons, patok ang hardware business. Lahat naman kasi ng pamilya, kahit ano pa ang estado, bibili at bibili sa hardware lalo na kung materyales ito para pagandahin ang bahay. Patok din ito para ayusin ang mga sirang gamit o kasangkapan sa tahanan.
4. Drug store
Patok din ang pagsisimula ng isang botika bilang first-time business owner. Basic need naman kasi ang gamot, at siguradong araw-araw ka bebenta sa negosyong ito. Generic man o branded, good to go na ‘yan!
5. Milktea
Magandang negosyo ang milktea, sapagkat hindi mo kailangang maglabas ng malaking kapital dito, pero sigurado malaki ang balik sa’yo! Ang secret ingredients for success ay simple lang: excellent service, good ambience, at maayos na supplier. Kapag ka mayroon ka ng mga ito, sure na blockbuster ang business mo!
6. Bigasan
Sa araw-araw na buhay ng mga pinoy, hindi kumpleto ang hapag kung wala ang kanin. Kaya bilang first-time business owner, hindi ka talo kung ito ang magiging ideya mo! Malabo kang malulugi sa negosyong ito, tamang diskarte lang. Dagdagan lang ng sipag, aanihin mo rin ang success!
7. Carwash
Sa mga taong maraming ginagawa, hindi na nila idadagdag pa sa kanilang busy schedule ang paglilinis ng sasakyan. Kung mautak ka, gagamitin mo ito as an advantage.
Simple lang ang kailangan ng negosyong ito: mag-invest ka ng high-quality equipment, parking space, staff na mababait, at siyempre tubig.
Subukan na ang carwash business! Siguradong wash out ang problems mo sa negosyong ito.
8. Food cart
Patok din as a negosyo idea ang mga food cart, kailangan mo lang ng sapat na kapital. Sa halagang 10,000, makukumpleto na ang mga kailangan dito tulad ng cart, utensils, equipment, pati ang mga pagkaing ititinda mo. Siguraduhin lang na perfect ang location mo para mag-boom ang iyong business.
9. Water station
Sigurado ang flow of success sa business idea na ito! Lahat ng tao ay umiinom ng tubig at lahat ng tao ay nauuhaw. Kailangan ang tubig dahil ito ay basic need ng lahat, kaya papatok ito!
10. Sari-sari store
Ito ay isa sa pinakasimple at pinakalaganap na business idea sa bansa. Madali i-manage ang ganitong business sapagkat kahit sa bahay ay puwede ito simulan. Siguraduhin lang din na well-documented ang mga nangungutang sa business mo, para hindi ka malugi at sure ang kita at tubo mo.
Ano man ang business idea, pinakamahalaga pa rin dito ay ang diskarte at pagiging matalino sa paghawak ng pera. Nasa iyo kung paano mo iguguhit sa iyong palad ang success!
Vincent Gutierrez/BALITA