Ikaw na nga ba ang hinahanap ng Star Cinema para gumanap bilang batang Piolo Pascual, JK Labajo, at Joshua Garcia sa kanilang bagong pelikula?
Sa isang Facebook post ng ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cinema) noong Biyernes, Hulyo 25, inilatag nila ang mga katangiang hinahanap sa mga interesado.
Sa mga nais maging batang Piolo, kinakailangan 10-14 at 19 taong gulang. Kailangan may strong screen presence at mga katangiang tulad ng kay Piolo.
Sa mga batang Joshua naman, 2 at 7 taong gulang. Dapat cute, expressive, and kayang sumunod sa mga simpleng panuto. At siyempre, kahawig ni Joshua noong bata pa.
Samantala, para naman sa batang JK, 3 taong gulang dapat. Charming with a bit of edge gaya ni JK mismo.
Bukod dito, naghahanap din ang Star Cinema ng 6-month-old-baby boy. Dapat adorable, expressive ang mga mata, at likas ang pagiging charming.
Kailangan din nila ng 1-year-old baby boy na nakakapaglakad na at extra cute pa.