Litong-lito na raw ang mga manonood at viewers sa plot o itinatakbo ng istorya ng "FPJ's Batang Quiapo" sa pangunguna at direksyon ni Coco Martin.
Ang latest nga rito, ini-reveal na may ibang karelasyon o kalaguyo pala si Roberto Guerrero, ang mayor ng Maynila na ginagampanan ng premyadong aktor na si Albert Martinez.
Kaya pala wafakels siya nang makita niyang ginagahasa ng kaniyang amang si Don Gustavo Guerrero, na ginagampanan ng senior actor na si Dante Rivero, ang misis niyang si Jackie played by Angel Aquino dahil hindi niya talaga mahal ito.
Iba pala ang isinisigaw ng kaniyang puso, kundi may kabit siya, at take note, mala-Tarzan ang hitsu ha! Bortang Tarzan!
MAKI-BALITA: Netizens, windang sa plot twist ng BQ: Albert, may 'kabit' na mala-Tarzan
At speaking sa karakter ni Angel, siya pala ay dating kalaguyo ng karakter ni Dante, at anak nila si Miguelito Guerrero na ginagampanan naman ni Jake Cuenca, na buong buhay niya, kinilala niyang ama si Albert.
Si Don Gustavo naman, nagkaroon ng relasyon noon kay Tindeng na ginagampanan ni Charo Santos-Concio, at anak nila si Marites na ginagampanan naman ni Cherry Pie Picache. Ibig sabihin, magkakapatid ang mga karakter nina Cherry Pie, Albert, at Jake.
At dahil anak ni Marites si Tanggol na ginagampanan naman ni Coco Martin, lolo niya rin si Don Gustavo at tiyuhin niya si Jake na kalaban niya ngayon.
Anak nina Jackie at Mayor Roberto si Erika na ginagampanan naman ni Gillian Vicencio, subalit sa huling episode, ay may nangyari sa kanilang dalawa ni Santino played by Ronwaldo Martin, na kapatid naman ni Tanggol.
So kung titingnan, lumalabas na magpinsan silang dalawa, pero hindi nila alam dahil pareho silang biktima ng mga lihim ng pamilya nila.
Huwag nang banggitin ang karakter ni Olivia Montenegro na ginagampanan naman ni Chanda Romero, na anak naman nina Pilar Guerrero, na ginagampanan ni Celia Rodriguez, at ni Don Julio, na ginagampanan naman ni Tommy Abuel.
Kaya naman, magkapatid sina Olivia at Ramon, na ginagampanan naman ni Christopher De Leon, at tatay ni Tanggol.
Pero kung babalikan noon, ang ex-girlfriend ni Tanggol na si Mokang na ginampanan naman ni Lovi Poe, ay naging asawa ni Ramon, at muntik na silang magpatayan para sa iisang babae.
Hirit nga na biro ng mga netizen, hindi na nila maintindihan ang "Family Tree" ng mga Guerrero at Montenegro dahil sala-salabid na ito.
Naihalintulad pa nga nila ang plot twist sa "Family Strokes" o sa isang porn website.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang pamunuan ng production team ng Batang Quiapo tungkol dito.