December 12, 2025

Home BALITA

Reaksiyon ni Roque sa desisyon ng SC: 'Winner ang VP Sara!'

Reaksiyon ni Roque sa desisyon ng SC: 'Winner ang VP Sara!'
Photo courtesy: screenshot from Harry Roque/FB, MB file photo

Itinuturing ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na pagkapanalo ang naging desisyon ng Supreme Court (SC) patungkol sa articles of impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Sa kaniyang Facebook video noong Biyernes, Hulyo 25, 2025, iginiit niyang bukod sa pagkapanalo sa SC, tila panalo na rin daw ang Bise Presidente laban sa kaniyang mga katunggali sa politika mula sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

“Dahil alam niyang nasa likod niya ang taumbayan, fight! Fight! Fight! And tingnan n’yo naman, winner ang VP Sara! In round one on the Vangag vs. Super Inday Sara,” ani Roque.

Pinuri din niya ang pagiging kalmado raw ni VP Sara habang hinihintay ang desisyon ng Korte Suprema.

DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila

“Sa kabila ng napakaraming ibinato sa kaniya at talaga namang napakatindi nitong bigatin na dina ni VP Sara, na sinampahan siya ng impeachment complaint, she remained cool under pressure…,” saad ni Roque.

Matatandaang noong Huwebes nang lumabas ang naturang desisyon ng SC kung saan iginigiit din nito na walang hurisdiksyon ang Senado sa impeachment proceedings at sa Pebrero 2026 pa muling maaaring mag-file ng impeachment cases laban sa Bise Presidente.

KAUGNAY NA BALITA: SC, 'kinapon' tungkulin ng Senado at Kamara, sa impeachment proceedings—Sen. Kiko