Napasigaw sa galak ang mga evacuee sa Tanza National High School sa Navotas City nang dumating si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Sabado, Hulyo 26.
Sa ulat ng PTV, kasama si PBBM sa pamamahagi ng iba’t ibang uri ng tulong gaya ng mga food pack at hygiene kit.
Makikitang nakihalubilo rin siya sa mga batang nagsipunta sa kaniyang harapan.
Maririnig naman ang pagsigaw ng "BBM! BBM!" ng mga evacuee na natuwa nang masilayan nila ang pangulo.
Ayon pa sa ulat, binabaha rin ang evacuation center sa nabanggit na paaralan lalo na tuwing high tide kung kailan mas tumataas pa ang tubig.
Kaya naman iniutos na raw ni PBBM ang agarang pagkukumpuni ng floodgate sa Navotas upang mabawasan ang pagbaha sa lugar.